Tosca
Ngumiwi ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Shit! Hinanap ko kaagad iyon at nang hindi ko mahagilap sa ilalim ng unan ko ay agad akong bumalikwas ng bangon.
Shit! Shit! Shit!
Where the hell is that stupid phone? Antok na antok pa ako! Nag-wala ako sa kama ko at pinagsisipa ko ang kumot at mga unan ko.
Nang medyo nagising na ang diwa ko ay na realize kong hindi pala alarm iyon. What the? Kanina pa pala nag riring ang phone ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog at nakita ko iyon sa sahig malapit sa cr. Paano napadpad doon ang phone ko?
Nagmamadali akong pinulot iyon at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller id.
"H-hello?" Kinusot ko ang mga mata ko at napipikit pikit pa ako. Naupo ako sa sahig at sinapo ang noo ko. Ang sakit ng ulo ko, fuck!
"Where the hell are you?" Huh?
Pupungas pungas kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Nanlaki ang mga mata ko at nagising talaga ang buong diwa ko nang makita kong si Scor 'yon! Bakit siya tumatawag sakin? Natigilan pa ako at pilit na inisip kung may meeting ba kami ngayon pero wala na akong oras kaya tinanong ko nalang siya.
"S-scor? Bakit ka napatawag?"
"Seryoso ka ba? Nakalimutan mo? Diba may meeting ulit tayo kasama iyong mga supplier?" Sanay na talaga ko sa kakaganyan niya sa akin. Palagi nalang akong sinusungitan.
"H-ha? Ngayon ba 'yon? Diba bukas pa?" Shit.
Sa sobrang pagmumukmok ko tatlong araw ata akong di lumabas ng condo ko. Naiinis kasi ako eh. I really don't get it. No on has ever humiliated me that way, ever! Ang plano ko sana ay sungitan siya pero parang na excite pa ata ako lalo dahil tumatawag siya ngayon.
"Papunta na ako sa venue. 'Pag hindi kita naabutan doon, you're fired. Saksak mo sa baga mo ang limang milyon mo." Sasagot pa sana ako pero nag tut tut tut na ang kabilang linya.
Damn it! Mabilis pa sa alas kwatro akong naligo at nag bihis. Wala pang 20 minutes, tapos na ako. Hindi na ako nag lagay ng make up at tanging itim na body con dress ang nakuha ko. Wala na akong time mag inarte, baka talagang saksakin na ako ni Scor kapag hindi pa ako dumating.
Namataan ko ang sasakyan ni Scorpion na nag hahanap ng parking sa likod ng restaurant. Swerte ako dahil may nakuha akong parking pagkadating ko. Hindi ko na nga ata naayos ang pagpa park ng sasakyan pero keri lang! Basta mauna ako sa kanya.
Pinagpag ko ang dress ko at inayos ang buhok ko bago ako naupo. Nag kunwari akong inip na inip kahit na deep inside ay tawang tawa ako sa ginagawa ko. Kala mo Scor ha?
"You're late." Tiningala ko siya at nginisian.
Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ko kung anong hitsura niya ngayon. Tinanggal niya ang shades niya at nakasimangot akong tiningnan. Kuminang din ang nag iisa niyang hikaw sa kanyang kaliwang tenga. Ngayon ko lang napansin iyon ah?
As usual, pipe nanaman ang emote ng lolo niyo. Pumangalumbaba nalang ako sa lamesa at tamad na nag check ng mga emails. Maya maya pa'y dumating ang isang panot na chinese na may edad na.
"Good morning, Mr. Sy." Magalang na bati ni Scor at naglahad ng kamay.
Hindi na ako nagsalita at naglahad nalang din ng kamay. Matamis akong nginitian ng chinese. Nawala pa nga ang mata niya sa pag ngiti niya eh.
"Sit. Sit down." Sabi ni Mr. Sy.
Sinimulan namin ang meeting at paminsan minsan lang ako nagsasalita. Ano kaya ang trabaho ni Scor at parang napaka professional niya kung humarap sa tao? Ako kasi, wala naman akong masyadong alam sa business.
BINABASA MO ANG
The Things I Hate About You
General FictionTosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh ito ang kanyang trabaho? Nag-iba ang lahat nang mag-tagpo ang landas nila ni Scorpion, ang lalaking abot langit ang inis sa kanya at sa hindi...