TOSCA
Hindi ko inexpect na ganito pala ka enjoyable ang magtrabaho. It's like I have this fulfillment in me everyday that I wake up early in the morning to go to work. Ngayon ko nga lang naa-appreciate ang pag-inom inom ng kape sa umaga. Feeling ko talagang working girl na ako kapag nag te take out nalang ako ng breakfast ko sa coffee shop at sa office kinakain.
Huwag niyong maliitin ang trabaho ng supervisor ha? Napaka dami ko kasing ginagawa. Madalas ako ang nag rerecord ng mga data o di kaya ay nag susulat ng mga letter at kung ano ano pa. Sa sobrang dami ko ngang gawain, hindi ko na namalayan na patapos na pala ang araw. Iyong mga araw na iyon na naging linggo at naging buwan. Malapit na pala akong mag tatlong buwan! Nakakatuwa kasi akala ko dati hindi ko kaya ang ganitong buhay, pero eto ako ngayon. Enjoy na enjoy.
"Miss Sobrevega, paki record daw po itong files galing sa Davao. Kailangan pong ipasa sa taas this Friday." Untag sa akin ng isa sa mga staff ng admin.
Tinanggap ko naman ang inabot niya. Medyo makapal kapal ito ah? Pero mabuti. At least, may magagawa ako pagkatapos kong ayusin itong files galing naman sa Cebu.
Malapit na palang mag lunch break. 11:30 na. Nag-pasya akong puntahan si Clinton sa office niya para mangulit. Tutal palagi naman siya ang bumababa sa admin para lang bwisitin ako. Magpapalibre ako ng pagkain. Tatawa tawa pa tuloy ako habang pinipindot ang elevator paakyat.
"Hi, Darlene! Nandiyan si Clint?" Bati ko sa secretary niya.
"Nandiyan po ma'am!" Nakangiting sagot naman niya.
Tumango ako at dumiretso sa office ni Clint. Nag-taka nga ako dahil may ingay na nanggagaling doon. Parang may mga kausap siya doon. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Oh? Hey couz!" Natatawang bati niya sa akin.
"Tosca! Anong nangyari sa'yo? Ibang iba ka ah? Posturang postura." Pang aalaska naman ni Eli.
Napansin niya siguro ang corporate attire na suot ko. Gray skirt and blazer with white halter top inside paired with the ever reliable black stiletto.
Sa kabilang gilid ng opisina ay tahimik na nakaupo si Scor. Parang inoobserbahan niya ang kada galaw ko. Bigla tuloy akong na conscious pero mabilis ko ding na compose ang sarili ko.
Hindi na kami madalas magkita ng isang ito. Kung magkikita man kami ay napaka bilis lang at wala halos contact. Ewan ko kung sino ba sa amin ang bitter dahil hindi namin mabati ang isa't isa sa tuwing nagkakasalubong o di kaya ay nagkikita kami.
"Bakit ka nandito? Wala ka na talagang matinong nagawa." Umiiling na sabi ko.
Nilapitan ko si Eli at saka bineso. Tapos umupo ako sa kabilang upuan na katapat niya. Naiilang din ako kay Scor pero hindi ko na dapat ipahalata sa kanya iyon. For all I know, baka naka move on na ang tao.
"Yan tayo eh. Minsan ka na nga lang magpakita, mapanglait ka pa." Tingnan mo 'to. May pa ganon ganon pang nalalaman.
"Nag-lunch na kayo? Tara, kain tayo." Baling ko kay Clint.
"Kakatapos lang namin. Pero buti nandito ka, may kailangan tayong pag-usapan. Tungkol sa club." Seryosong sagot niya. Sumulyap siya kay Scor at gusto ko ding gawin ang ginawa niya pero wag na, baka ma fall ako ulit. Marupok pa naman ang lola niyo.
Naghikab si Eli kaya napalingon ako ulit sa kanya.
"Ayaw ko nang tumambay kung usapang negosyo lang din." Tamad na sabi niya.
Lumapit siya kay Clint para makipag fist bump habang nag-papaalam. Kinumbinsi pa siya ni Clint na huwag munang umalis pero ayaw niya. Pagkatapos ay kay Scor naman siya nag-punta at nakipag fist bump din. Ang lakas talaga ng dating ni Scor kapag ganyang nakasimangot at hindi man lang ngumingiti. Tinigil ko nalang ang pagpapantasya sa ex ko at tinanaw si Eli. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako sabay bumulong.
BINABASA MO ANG
The Things I Hate About You
General FictionTosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh ito ang kanyang trabaho? Nag-iba ang lahat nang mag-tagpo ang landas nila ni Scorpion, ang lalaking abot langit ang inis sa kanya at sa hindi...