TOSCA
Ito na ata ang pinaka magandang gising ko sa buong buhay ko. Ngiting ngiti pa din nga ako kahit na nakulangan naman ako sa tulog kagabi dahil di ako mapakali sa kakaisip kung anong magaganap sa date namin ni Scor.
Oh my God! Isipin ko palang ang pangalan niya kinikilig na ako eh! I started my day with my favorite green juice. A mixture of kale, orange, carrot and a little bit of mint. Maaga pa naman, may oras pa ako para magpaganda. First, I'll go to my Nail Salon, then I'll have a massage and then go back home to prepare for my date.
Tinext ko nga kaagad si Scor to remind him of our date eh. Hindi siya nag reply pero dinouble send ko para sure na na receive niya talaga.
After ko mag breakfast ay naligo na rin ako at nag bihis. I made sure to take my time dahil mahaba pa ang oras at excited na excited na ako para mamaya.
"Good morning, Ma'am Tosca!" Masiglang bati sa akin ng manager ng Just Nails.
"Hello, Shane. I need a manicure and a foot spa." Ngiting ngiti ako sa kanya. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Umupo ako sa isa sa mga sofa at inabala ang sarili ko sa pag tingin ng mga emails.
Nang ma bored ako kakatingin ng emails, naisip kong mag facebook. Tinry kong i search ang pangalan ni Scor at lumabas naman agad ang account niya. Meron kaming one mutual friend. Malamang si Clinton iyon! Wala akong makitang kahit anong picture niya sa facebook maliban sa profile picture niya. Naka color blue siya na v-neck at naka jeans. Naka thumbs up sign pa siya at nakapamulsa ang kaliwang kamay habang nasa tapat ng logo ng Universal studios. Sa tingin ko ay sa Singapore kinunan ang larawan. Parang hindi siya ang nasa picture ah, ngiting ngiti kasi siya dito eh tapos naka casual lang siya. Pag nagkikita kasi kami, palagi siyang naka corporate attire at palaging nakasimangot. Pinindot ko nalang ang add as friend at inexit na ang account niya. Sana i-accept niya!
Tanghali na nang matapos akong magpa linis ng kuko. Naisip kong mag lunch muna bago magpa masahe. Nag fast food nalang din ako kahit na napaka taas ng calories ng lahat ng pagkain. Wala ako sa mood kumain sa sosyaling restaurant ano. And hello? Jollibee is life!
"Miss! Miss. Kayo po si Tosca diba? Pwede po bang magpa picture?" Susubo palang sana ako ng fries nang may lumapit na dalawang babaeng teenagers sa akin.
Nginitian ko sila.
"Sure!" Sagot ko.
Pareho silang nagpa picture sa akin. Pagkatapos ay nag pasalamat sila at umalis na. I still can't believe that people wants to have a picture with me. Hindi naman ako artista, I'm just a normal human being eating at Jollibee. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa spa para magpa masahe.
Hapon na ng matapos akong i pamper ang sarili ko. Pag balik ko sa unit ko, laking gulat ko nang maabutan ang stylist ko at ang make up artist ko sa labas ng pinto.
"Oh? Bakit hindi kayo pumasok?" Mukha kasing bored na bored ang itsura nila.
"Eh si Rita kasi, ang tagal." Maarteng reklamo ni Mori. My gay stylist.
"You should've texted me! Alam niyo naman si Rita, palaging late." Sabi ko habang abala sa pag bubukas ng pinto.
Pinapasok ko sila sa unit, dumiretso sila sa sala at nilapag ang gamit nila sa sofa. Dumiretso naman ako ng kwarto para maghubad ng damit at mag bathrobe muna.
BINABASA MO ANG
The Things I Hate About You
Ficción GeneralTosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh ito ang kanyang trabaho? Nag-iba ang lahat nang mag-tagpo ang landas nila ni Scorpion, ang lalaking abot langit ang inis sa kanya at sa hindi...