*RIIIINNNNGG!!
"Haaahh....Wala naman pasok eh...Bakit nag ring yung alarm....Sarap sarap ng tulog ko ee" pagyayamot ko
Tumayo ako mula sa higaan ko. Tumingin ako sa orasan.
"Hmmmm....8 o'clock na pala...Ano kaya ang gagawin ko ngayon araw na ito?" sabi ko
Nagisip ako kung ano gagawin ko at bigla na lang pumasok sa isip ko si Strawberry.
"Eehh!!! Bakit siya agad ang nasa isip ko...Ano ba tong nararamdaman ko...Impossible naman may pag tingin na ko sa kanya...Kahit classmate ko siya dati, saglit pa lang kami nagkausap ulit sa matagal na panahon.."
Litong-lito ako. Hindi ko alam kung pag-ibig na ba 'to. Ah basta nalilito pa rin ako. Kailagan ko nang tulong ni Bes. Tatawagan ko na lang siya. Kinuha ko ang cellphone ko at dali-dali ko siyang tinawagan.
"Bes, sagutin mo naman yung tawag ko...Please" pagmamaka-awa ko
"Hello Bes? Gising ka na ba kanina pa?" tanong ko
"Oo Bes, bakit ka napatawag?" tanong niya
============================================================
"Ay, oo nga pala! Hindi ko pa pala napapakilala sa inyo ang matalik kong kaibigan na babae ang Bes kong mahilig sa FUDGEE BAR a.k.a. FUDGEE GIRL. Ang pangalan niya ay Mao Ling. Kahit Chinese siya at Japanese ako, nagkakasundo naman kami"
"Ni Hao! So gumagawa ka na pala ng novel huh, kaw ah Bes may pinanghuhugutan"
"Tama na Bes, bumalik na tayo sa story"
============================================================
"Bes, kailangan ko nang advice mula sa iyo. Naguguluhan ako kung ano talaga nararamdaman ko" sabi ko
"So Bes....May nahanap ka na pala bago..Sino yan huh....Yan ba yun nababalitaan ko na si Strawberry Tsukino...Heh" sabi niya
"Eehh!! Pano mo nalaman 'to Bes?"
"Secret ko na yun...Marami kasi ako mata dyan sa school mo...Hohoho"
"Partida na yan ah...Lumipat ka na sa ng ibang school...Updated ka pa rin sa mga pangyayari"
"Syempre ako pa....Tsimosa ata ako...Di joke...Sadyang alam ko lang talaga ang mga bagay-bagay"
"Bes tama na ang pagyayabang mo. Kailangan ko ng advice mo"
"Oh sige na nga...Tumatawag ka lang naman sa akin kung kailangan mo ng advice, kausap o ako yung may problema"
"Oo na....Eto kasi yung problema ko..Naguguluhan ako kung tama ba mag-confess kaagad ako sa kanya kahit saglit pa lang kami nagkasama"
"Kung mahal mo talaga siya...Mag-confess ka sa kanya...Sabi nga ng iba IT'S BETTER TO BE REJECTED THAN TO REGRET Bes...Wag ka mag-alala kung ma-friendzone ka...Go lang na Go!"
"Eehh...Alam ko nga yan Bes pero kung layuan niya ako dahil nalaman niya na mahal ko siya. Mas masakit naman yun"
"Wag ka magalala kung tunay ka niya talaga kaibigan kahit mag-confess ka sa kanya. At i-friendzone ka niya. Hindi ka niya lalayuan. Tsaka ikaw ang pinaguusapan, alam ko ma-iinlove din siya sayo...Kaw pa Bes..Kung sakaling layuan ka niya...Tawagan mo na lang ako ulit para may maiiyakan ka..Supportahan kita..Kaya mo yan Bes!"
"Thank You Bes...Bukas mag-confess ako! Promise! Kaya ko to....Thank you talaga!"
"Wala yun! Ganyan talaga ang mag-bestfriend...Pag ako naman may problema na diyan ka palagi"
"Geh Bes...Baba ko na 'to ah....Magpla-plano na ako para bukas..Bye Bes!"
"Bye Bes...Kaya mo yan!'
Ibinababa ko na yung phone. Nagisip na ako ng gagawin ko para bukas. Naisip ko na mas maganda kung simple lang yung confession ko sa kanya.
Natulog ako na maaga para bukas magising ako at lalong makapaghanda. Excited na ako para bukas! Thank You talaga Bes pinalakas mo loob ko.
BINABASA MO ANG
Kiseki
Romance-Eto nga pala ang love story ng isang lalaki laging sawi sa kanyang pag-ibig. Sa sobrang pagkabigo niya, ninais niya lamang di' magmahal muli. Ngunit isang araw, may nakilala siyang babae. Siya na ba ang para sa kanya at magpapabago ng takbo ng buha...