Path IV: Bonding Moments

35 0 0
                                    

*RIIIIINNNNNG!!

Nag-ring na yung bell. LUNCH TIME na namin. Gutom na ako, ano kaya lunch ko ngayon? Binuksan ko ang lunch box ko at nakita ko yung ulam ko.

"Wow...Tonkatsu pala ulam ko ngayon"

Magdadasal at kakainin ko na sana yung lunch ko nang biglang may tumawag sa akin.

"Konnichiwa Kito-kun! Pwede ba ako sumalo sayo?" tanong ni Shiro

"Ahh...Shiro, konnichiwa. Halika samahan mo ko kumain"

Umupo siya sa tabi ko at nilabas niya ang kanyang bento. Bago kami kumain bigla naman dumating si Kuro.

"Sali naman ako diyan." sabi ni Kuro

Umupo si Kuro sa tabi ko. At sabay-sabay kaming nagdasal bago kumain

"ITADAKIMASU!" dasal namin lahat

"Anong ulam mo Shiro?" tanong ko

"Teka...Ang ulam ko ngayon Tocino" sagot ni Shiro

"Eeh...Ikaw Kuro?"

"Ulam ko Maling" sagot ni Kuro

"Guys...May sasabihin pala ako sa inyo. May nakilala ako kaninang umaga. Actually hindi pala nakilala, kasi dati ko pa siya kilala. So nagkausap ulit kami kanina" kwento ko

"Oyyy....Sino yan? Dumada-moves ka ah" biro ni Kuro

"Yun oh....Kito ah meron ka na naman babae" sabi ni Shiro

"Mga sira ulo kayo! Dumada-moves. Ewan ko sa inyo! Patapusin niyo muna ako bago kayo mag comment." sabi ko

"Ganito kasi yan. Nagkausap kami ng old classmate ko noong Grade School kaninang umaga. Ayun nagkamustahan kami. Kaso nag-ring na yung bell, so nagpaalam na kami sa isa't-isa" dagdag ko

"Ohh...Ano pangalan niya ba?" tanong ni Kuro

"Ang pangalan niya ay Tsukino Strawberry. And fluent siya mag-Englisht kahit Hapon siya. Kamuntikan na nga ako mag-nosebleed" biro ko

"Ano itsura niya?tanong ni Shiro

"Well, she looks beautiful, cute, tall, fair-white skin tone. And you know what she looks like the girl that I always dreamt about" sagot ko

"Mukhang nahawa ka niya ah...Nag English spokening ka na diyan. Our nose is bleedding na!" Pabirong sinabi ni Kuro

"Oo nga noh....Hindi ko napansin" sabi ko.

Nagtawanan kaming lahat sa joke ni Kuro

KisekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon