Path II: Into the Dreamland Paradise

55 0 0
                                    

Pumunta na ako sa bahay namin agad.

"Haayyss.....Nakakapagod na araw naman oh. Maka-iglip nga muna"

============================================================

May nakikita ako babae. Maganda siya, cute at matangkad. Ngumingiti siya sa akin. Sa ganda ng ngiti niya sa akin para ba ako nasa ALAPAAP na. Sorry na-LSS lang talaga ako sa Alapaap by E-heads. 

"Kito, Kito, Kito. Lumapit ka dito sa akin. Halika Kito" Sabi niya sa akin na may ngiti sa kanyang mukha

"Kuya Kito! Kuya Kito! Gising na! Kakain na tayo ng hapunan"

"Huh!! Sus, ikaw lang pala kala ko kung sino na" Sabi ko

"Hala! Kuya, ano akala mo sakin multo? Tumayo ka na diyan kakain na tayo" Sabi ng kapatid ko

SHORT INTRO para sa kapatid ko. Ang pangalan niya ay si Kurokawa Sayuri. Mahilig yan kumain nang madami. Ang sin nga yan ee GLUTTONY XD. Anyways balik na tayo sa story.

"Shhh... Eto na tatayo na ako. Wag ka na maingay please"

Badtrip naman oh....Kung kailan na maganda yung panaginip tsaka naman ako gigisingin. >:(

"Oh? Bakit na naman ganyan yang mukha mo? Para kang sinukluban ng langit at lupa diyan" Sabi ni Mama

"Wala to Ma. Kain na tayo. Baka maubos pa ni Sayuri yan" Sabi ko

"Ang sama mo Kuya! BITTER ka lang kasi!" Sagot ni Sayuri

"Oppss...Tama na, baka nakakalimutan niyo nasa harapan kayo ng pagkain. Kumain na kayo" Sabi ni Mama

Kinain ko na agad yung dinner namin at natulog ulit.

============================================================

Napanaginipan ko na naman siya. Nasilayan ko ulit ang mga ngiti niya kay ganda. Nasa paraiso na ako. Ayaw ko na magising sa panaginip na 'to. Ang sarap sa pakiramdam pag kapiling mo ang taong mahal mo diba. <3

KisekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon