Path V: The Accident

44 0 0
                                    

*RIIIINNNNGGG!

"Wooh!!! Uwian na!" sigaw ng isa namin ka-klase

"Ok class para maka-uwi na kayo. Magdasal muna tayo" sabi ni Miss

Pagkatapos ng dasal nilapitan ko sila Kuro at Shiro

"Shiro at Kuro! Tara uwi na tayo" sabi ko

"Geh ba. Teka ayusin ko lang gamit ko" sabi ni Kuro

"Ako tapos na" sagot naman ni Shiro

"Teka. Dami ko kasi gamit na nakalabas ee"sabi ni Kuro

"Sus...Ang sabihin mo burara ka lang sa gamit mo" sagot ko

"Ewan ko sa inyo. Tara na tapos ko na ayusin gamit ko" sabi ni Kuro

Dali-dali na kami umalis sa classroom. Nagkwentuhan kami habang bumababa

"Pre, parang ang tahimik mo ngayon. Daydreaming ba?" tanong ni Kuro

"Oo nga, bakit ang tahimik mo. May iniisip ka ba?" usisa ni Shiro

"Ahhh....Ganun ba. May iniisip lang kasi ako eh" sagot ko

"Ano naman ang iniisip mo?" tanong ni Kuro

"Wala yun. Wag niyo lang ako pansinin" sabi ko

"Pre ingat ka!" sigaw ni Kuro

"Ano?!?!?" sambit ko

*Blam

============================================================

"Aray....Ang sakit! Nahihilo ako" sabi ko

Parang may humihinga sa harapan ko. May tao ba? Binuksan ko ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita. May isang tao nasa harap ko.

"S..s..Stra...Strawberry-san!!! What are you doing in front of my face?" sabi ko

"K...k...Ki...Kito-kun!! Why I'm sitting on you?" tanong niya

"Oy!!! Kito ano yan? Nagpalaglag ka ba talaga sa hagdan para mangyari yan..Ninja moves" biro ni Kuro

"Ehhh!" sabi ni Strawberry 

Tumayo siya agad tapos sumunod din ako. Nakita ko yung pisngi niya pulang pula. Nagblu-blush siya! Sino ba naman hindi magblu-blush kung nangyari sayo ito. Ang cute niya pala pag nagblu-blush siya. KAWAII!!! :3

"Umm....Strawberry-san, are you okay?" tanong ko

"Ehh....Me?" sabi niya 

"Yes, are you okay?'

"Umm....I.....I'm.....I'm fine" sabi niya

Pero nakita ko sa tuhod niya nanginginig. Tapos bigla na lang siya natumba

"Strawberry-san!!!" sigaw ko

Sinalo ko siya. At pilit ko ginigising siya. Pinasya ko na lamang dalhin sa sa Infirmary. Binuhat ko siya.

============================================================

"Nurse! Tulungan mo ang kaibigan ko" sigaw ko

"Anong nangyari?" tanong nang Nurse

"Nabangga ko kasi siya sa hagdan. Bigla na lang siya hinimatay" paliwanag ko

"Sige titingnan ko ang kalagayan niya. Ihiga mo na lang siya sa higaan" utos ng Nurse

Inilapag ko si Strawberry sa higaan. Tiningnan ng nurse ko ano kondisyon niya. Sumunod din sila Kuro at Shiro sakin sa Infirmary. 

"Pre anong nangyari kay Strawberry?" tanong ni Shiro

"Di ko pa alam. Tinitingnan pa siya ng nurse" sagot ko

Lumabas ang nurse para sabihin samin kung anong kondisyon niya. 

"Wag kayo mag-alala. Nahimatay lang siya dahil sa Anemic Attack" paliwanag niya

"Buti naman. Akala ko naman kung ano na" sabi ko

Pumasok ako sa loob at umupo sa tabi ng higaan ni Strawberry.

"Mukhang nagaalala si Kito kay Strawberry" pabulong na sinabi ni Shiro kay Kuro

"Oo nga. Pansin ko nga rin. Pre alam ko na. Iwanan na lang natin silang dalawa para magkasama sila diba?" bulong ni Kuro kay Shiro

"Sige. Magpapaalam na tayo kay Kito" sagot naman ni Shiro

"Kito, alis na kami baka maiwan pa kami nang service namin" paalam nila

"Sige mga pre, ayos lang ako dito. Ako na bahala dito. Ingat kayo pre" sabi ko

Naiwan na lang kaming dalawa sa Infirmary. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Inisip ko na dahil sa matinding kaba sa nangyari kaya ako ganito. O baka kinakabahan ako dahil kami lang dalawa sa kwarto.

KisekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon