PROLOGUE:
Ano gagawin mo kung kaya mong baguhin ang kapalaran mo?
============================================================
Ciaossu! Ako nga pala si Kito Kurokawa. 15 years old, student ng Fate High Academy. May lahi kasi kaming Hapon kaya ganito yung pangalan ko. Kaya nga ako pinag-aral sa International School, dahil isa akong Hapon. Ngayon papunta ako sa school namin. Wala naman ako inaasahang magandang mangyayari
"Haysss.... Gusto ko pa sana matulog"
Tumigil muna ako para magdasal ng taimtim sa Diyos. Nakagawian ko na kasi ito.
"Lord....Sana naman makita ko na talaga. Yung babae para talaga sakin"
Well, ang pangarap ko lang talaga ay makita yung babaeng mamahalin ako ng buong puso at mamahalin ko rin siya.
"Nakakaasar naman ito. Oh, bakit pa kasi ilalagay nila ung classroom namin sa 2nd floor. Nakaka-badtrip"
"Good Morning Kito!" Binati ako ni Shiro
Eto nga pala ang bestfriend ko Si Shiro Yamamoto. Siya ay isang Happy-go-lucky guy. Naiingit nga ako sa kanya. Dahil parang wala siyang problema sa walang kwentang mundong ito. Ang Bitter ko siguro noh??? Well ganun talaga, siguro pag lagi ka sawi sa pag-ibig ganito lang ang magiging pananaw sa mundo.
"Anong maganda sa umaga, kung lagi ka papasok sa eskuela at aakyat ka sa 2nd floor"
"Musta Kito!" May bumati na naman sakin
Pero this time. Iba naman, si Kuro Saito. Isa ko pang bespren. Iniisip niyo siguro madami ako kaibigan. Well ganun lang talaga ako pala-kaibigan. XD
============================================================
Sa klase ng Literature Club namin, may nabangit si Sir tungkol sa Literature Club. Kailangan niya daw ng mga estudyanteng magiging officer ng club na iyon. Masubukan nga, total Literature Club din naman ako noon. Nag volunteer ako.
"Sir! I want to be an officer of your club" sabi ko
"Ahh....Well that's assuring. Any one else in your class that want to volunteer to run as an officer"
May dalawa ako kaklase nagtaas ng kamay. So tatlo lang kami na may balak maging officer.
"For those who want to run as an officer, just go to my advisory class after dismissal"
============================================================
*RIIIIINNNGG!*
Tumunog na ang bell, ibig sabihin uwian na. Tinawag ko yung mga kaklase kong nag-volunteer maging officer.
"Tara na! Sabay-sabay na tayo pumunta doon" Sabi ko sa kanila
============================================================
Nasa classroom na kami ni Sir. Hindi na ako magkapaghintay, well excited lang maging officer kahit hindi pa naman sigurado. Kung baga assuming ang dating. XD
Dumating na si Sir. Ang konti lang ang nandoon. Baka nga sakto lang kami bilang officer ni Sir o mas malala kulang pa. Binilang ni Sir kung ilan kami at sabi niya may isa lang ang hindi makakasama sa listahan ng officer.
Awwww...Kawawa naman kung sino man yun. Sana wag ako....</3
Tiningnan ko yung mga students ng 2nd Year Girls. Dalawa lang sila. Kilala ko naman sila pero hindi ganun ko silang ka-close. Hindi ko nga alam kung kilala nila ako. Well, yung isa kilala naman niya ata ako. Classmate ko siya mula Grade 2. Pero saglit lang yun, dahil hiniwalay nila yung BOYS at GIRLS sa school namin pagdating ng Grade 3. Ewan ko ba kung bakit ginawa nila ganun. Dapat kasi CO-ED na lang. Para mas masaya diba?? :/
Natapos na yung Election. Hindi nga parang ELECTION kasi nagkaturuan na lang ee. Wala naman kasi boboto onti lang kami. I felt sad for my classmate na hindi nakasama sa OFFICER LIST. Well ganun talaga. ANG BUHAY AY WEATHER WEATHER NGA LANG. Kuya Kim is that you???? XD
BINABASA MO ANG
Kiseki
Romance-Eto nga pala ang love story ng isang lalaki laging sawi sa kanyang pag-ibig. Sa sobrang pagkabigo niya, ninais niya lamang di' magmahal muli. Ngunit isang araw, may nakilala siyang babae. Siya na ba ang para sa kanya at magpapabago ng takbo ng buha...