"Deimos nakatingin sa'yo ang magandang dalaga na kasama ni prinsesa Vera." Binulungan ako ng isa sa aking mga kasama bilang mandirigma ng kaharian. Napatingin naman ako sa tinutukoy n'ya ngunit nakatalikod na ang babae kaya hindi ko nakita ang mukha nito.
"Marahil ay nagagwapuhan sa akin," pabirong wika ko kay Marco, ang pangalan ng mandirigma na nakapansin sa babae.
"Siguro nga dahil matagal s'yang nakatingin sa'yo," nakangiting sagot ni Marco sa akin at iniwan na ako para samahan ang iba pa naming kasama.
Sa tingin ko ay maganda nga ang dalaga dahil balingkinitan ang katawan nito at katamtaman lamang ang taas para sa mga babae. Ipiniling ko na lamang ang ulo dahil wala akong panahon ngayon tungkol doon. Kailangan ko munang pamunuan ang hukbo ng mandirigma sa kaharian ng Daesyn dahil may nakapasok na Olobo.
Isa itong halimaw na anyong lobo na ang laki ay tila sampung beses sa totoong lobo kung kaya kailangan ang buong hukbo sa paglaban dito. Mayroon itong matatalas na ngipin na may tumutulong laway na tila asido kapag ikaw ay natalsikan. Mahahaba din ang kuko nito na may lason kaya dapat mo din iwasan ang makalmot nito. Mapupula ang mga mata nito at nakakagimbal kapag ito ay umalulong dahil maririnig iyon sa buong kaharian.
"Magsihanda na kayo at tayo ay magtutungo sa pamilihan dahil nandoon na ang Olobo." Pagkasabi ay sumenyas na ako sa aking mga kasama upang makapunta agad kami sa lugar. Binubuo kami ng tatlumpong mandirigma na may iba't-ibang taglay na kapangyarihan.
May gumagamit ng elementong hangin, apoy, at tubig. Mayroon din naman gumagamit ng mahika, lason saka tagapagpagaling sa mga nasusugatan. Bagong salta lamang ako sa kaharian ng Daesyn dahil nagmula ako sa ibang kaharian. Nagkaroon ng matinding digmaan sa pinagmulan kong kaharian kung kaya tuluyan na itong nabura sa mapa at isa lamang ako sa nakaligtas sa panahong iyon.
Naglakbay ako patungo sa kaharian ng Daesyn upang humingi ng tulong kay King Daeyn dahil iniligtas ko din minsan ang hari laban sa kampon ng kadiliman. Wala na akong ibang mapupuntahan dahil sinakop na ng kadiliman ang ilang malapit na kaharian sa aking pinanggalingan. Alam ng hari ang aking kakayahan kaya naman itinalaga n'ya agad ako bilang bagong pinuno sa kanyang mga mandirigma. Malugod kong tinanggap ang tungkulin dahil isang karangalan na mailigtas namin ang mamamayan ng palasyo.
Madami na ang nawasak sa pamilihan ng aming datnan ang Olobo. Agad kami nitong nakita kaya ito ay umalulong nang malakas. Sumenyas na din agad ako sa aking mga kasama upang madaling matalo ang halimaw.
"Marko nais kung maglagay ka ng shield sa palibot ng Olobo upang hindi ito makatakas." Agad na tumalima si Marko at tinulungan s'ya ng lima sa aming kasamahan na gumagamit ng mahika. Nagbigkas sila ng mga salita upang mabilis na maisagawa ang aking iniutos. Tumingin naman ako sa ibang kasamahan at pinukaw ang kanilang atensyon.
"Palibutan natin ang Olobo at maghanda na tayo sa pag-atake." Mabilis silang kumilos at inihanda ang mga sarili.
"Mag-ingat ang lahat dahil lason at asido ang kayang gawin ng halimaw at tiyak na mahihirapan ang ating mga healer. " Sigaw ko upang maging alerto sila sa maaaring gawin ng kalaban. Naghanda na din ang mga healer na nasa isang lugar na medyo malayo sa amin upang mabilis din nilang magawa ang kanilang tungkulin sa oras na may masugatan.
Nagwawala na ang Olobo dahil nakulong na ito sa shield na ginawa nila Marko. Yumayanig ang aming kinatatayuan sa tuwing binabangga nito ang shield dahil sa lakas ng impact.
"Magsihanda at tayo ay aatake na." Pagkasigaw ko ay sumenyas na ako sa lahat upang simulan na ang pag-atake sa kalaban. Mas lumakas pa ang pagyanig ng lupa dahil sa lakas ng aking mga kasama na nagsimula nang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Anathema
FantasyFalling inlove ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam ano pa kung love at first sight iyon. Althaia and Deimos was both warrior in Daesyn kingdom. Sila ang tagapagtanggol ng kaharian dahil sa mga kapangyarihan na taglay nila laban sa mga kampon ng k...