12: MORTAL WORLD
Ilang minuto na rin kami naghihintay ng masasakyan ngunit wala pa rin. Private vehicles lang ang nakikita naming dumadaan. Kung hindi kami makakasakay rito ay maglalakad kami hanggang sa kanto kung saan doon ang halos mga transportation vehicles. Kung may phone lang sana ako dito ay magpapasundo na lang ako. Ngunit wala. Ayoko namang hiramin ang sa kanila dahil baka nandun siya sa Mansyon at ipa-track pa ko. Mahirap na. Baka mapahamak pa itong mga kasamahan ko.
“Mukhang wala tayong masasakyan dito.” Ani Sir Alegra.
“We should walk now.” Nauna nang maglakad si Prix. Black duffle bag lang ang dala niya. Mukhang nakakasigurado rin siyang matatapos agad ang misyon tulad ni Kalyana.
We followed his lead. Ilang minuto rin kaming naglakad. Nangangalay na nga raw ang mga pa ani Aamie eh. Si Rhodri naman ay nagrereklamo na ang layo raw. Kalaunan ay nakarating na kami sa kanto at hindi tulad kanina, may mga taxi, bus, at kung ano ano pang sasakyan na ang nandito. Mas malalaking building na rin ang nakikita namin at may mga tao na ring nasa labas habang naglalakad o kaya naman tulad naming ay naghihintay ng masasakyan.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang kagandahan ng kalangitan. Ang araw ay sumisilay. Bumabati para sa bagong umaga. The day will start here. Embracing the warmth of the sun. Creai, Aamie, and Rhodri took their phones out of their pockets and start to take a picture. Ang ganda lang kasi ng scenery. The city where the sun rises. Ang ganda.
“Shit! Bakit ngayon pa nag full storage ‘to? Hala shit!” daing ni Rhodri. “Hala paano ba ‘to!? Tae ang hirap maging taga-bundok.”
Mahina akong natawa. Wala ba sa mundo nila niyan? Kaya ba sobrang saya ng mga estudyante sa Sellena High nang ina-announce na magtatagal pa sila sa mortal world dahil sa mga bagay bagay na nandito? Minsan naisip ko rin, ano kayang meron sa mundo nila na wala dito sa mundo ko. Kung ignorante sila dito, siguro magiging ignorante rin ako sa mundo nila.
Wait, why am I thinking about those things? Aalis na nga ko ‘di ba? Kakalimutan ko na nga sila ‘di ba? After this mission, I’ll be free again. Napailing na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko. Well, I think a bitch-virus attacks my stupid brain. Tss.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakakita rin kami ng Taxi. Sa katunayan ay kailangan naming maghiwa-hiwalay. Bale, dalawang taxi ang kailangan namin. Pinara naman ni Sir Alegra yung taxi kung kaya’t huminto ito sa harap namin. Buti na nga lang at wala pa itong pasahero.
“Sinong unang sasakay?” Jill asked.
“Ako!” sabay na sabi ni Aamie at Rhodri. Napailing na lang si Jill. I’m sure, kasama rin siya sa kanila. I went to the driver’s seat. Nakita ko namang sumakay yung tatlo.
The driver slid down the window. “Saan ba, miss?”
“Dead Mansion.” I said. I saw how the driver stiffened. I knew it, he doesn’t want to go there.
“Naku! Hindi ako pwede d’un eh. Pasensya na.” nanlaki naman yung mata nung tatlong nasa loob. Komportable na kasi silang nakaupo roon, tapos maririnig nila na bawal ang driver d’un? Sinong hindi magugulat ‘di ba? Pinagkatitigan ko ulit yung driver. “Miss, sa iba na lang kayo sumakay. Bawal talaga ko r’on eh. Saka kung gusto niyo pa mabuhay, wag na kayong pumunta ro—”
“I’m a Dilleon.” I cut him off.
“Ha?” para siyang tanga na nakanganga sa harap ko. I sighed in annoyance. Kinuha ko yung wallet ko at yung ID ko sa loob. Pinakita ko ‘yun sa kanya. His eyes widened.
“I am Diamond Dilleon. Daughter of—” I bit my lower lip. “I mean… I’m the owner of the Mansion.” Tuluyan nang nalaglag ang kanyang panga sa narinig. Nakatingin lang siya sakin kaya nilabanan ko rin yung tingin niya.
YOU ARE READING
Tale Of Descendants
FantasyThe journey of the Descendants of the three worlds. This is the Tale of Descendants Date posted: November 28 2020 Date finished: ---