11: MISSION
It's been a week since I got here. Feeling ko ang bagal ng oras nitong mga nakaraang araw. But come to think of it. In just a week, ang dami nang nangyari. Two consecutive earthquakes. The explosion of the Laven volcano. The power that Jill used at me, the water. The teachers with their own abilities. The things in Curse forest. The PE class, which is basically a training, a dreadful training. The stone that I stole, well, nakalimutan ko lang naman iyon isauli. The mysterious-crazy-teacher. And now, this mission.
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Maaga kami aalis sa Sellena High para hindi na rin kami mapansin ng ibang mga estudyante. Nag-inat ako ng braso. Tumayo ako mula sa kama at kinuha yung luggage ko. Inimpake ko na ito kahapon, hindi rin alam ng Deltas na ngayon ang alis ko. Ni-hindi nga nila alam na aalis ako. Kinausap kami ni Mrs. Beltran kahapon pagtapos ng klase sa mga bagay na dapat naming gawin. May makakasama raw kaming isang guro.
Sinabi sakin ni Aamie na last year raw ay yung adviser nila ay yung teacher rin nila sa mga Mission. Nagulat nga daw sila nang si Mrs. Beltran mismo ang nag-atas ng isang mission sa kanila. Truthfully, hindi ko nga alam na kailangan pala ng isang teacher sa mission. Sinabi na sakin noon ni Creai na pinapadala sila sa mga Mission, but she didn't tell me deeper about what it is.
Kinuha ko yung tuwalya at dumiretso na sa CR. I took a shower for over 20 minutes. Sabi ni Mrs. Beltran ay aabutin daw kami ng halos dalawang linggo sa paghahanap. O baka nga raw ay mas matagal pa roon. Mahirap kasi talaga maghanap ng isang tao sa buong mundo. Lalo na't descendants ang hinahanap namin. People were clueless about their existence. Kaya ang hirap.
I wore a white shirt and denim jeans. Covered it with a long black coat. I just hang my longed-straight hair freely. Hindi naman ako nagmumukhang bruha sa itsura ko. Yeah, my hair is long up to my upper butt. Naalala ko pa noon na sinsabihan nila kong witch because of my hair or minsan vampire because of my dark red lips. Sinukbit ko na ang aking shoulder bag at hinawakan ang handle ng luggage.
I roamed my eyes in every corner of this room. Naka-isang linggo rin ako rito. Kahit papaano ay mamimiss ko rin ito. I sighed heave. I pulled my luggage and walk towards the door. I held the knob and opened it. Before I closed the door, I looked once again inside. There's something there, that I want to be with. But I can't. And I don't have to.
Tuluyan ko nang sinara ang pinto at tumungo sa living room kung saan nadatnan ko si Jill at Aamie na nag-aaway. Kumunot ang noo ko nang malaman kung ano ang pinag-aawayan.
"Jill naman eh! Akina kasi 'yan!"
"You don't need to bring this."
"Makakatulong kaya satin 'yan!"
"Ang dami mo nang dala Aamie!" suway ni Jill ngunit hindi natinag si Aamie.
"Eh nandyan ka naman para magbuhat eh, nandyan din si Rhodri-"
"Wohhh! 'Wag mo ko idamay diyan Aamie, unti nga lang dinala ko para hindi mabigat sa dalahin." Singit ni Rhodri.
"See? No one will bring this for you. So leave this here. We don't need this." Nilapag ni Jill ang hawak na malaking stuff toy na Boots sa Dora the Explorer na sa tingin ko ay kay Aamie. Tumawa na lang ako sa utak ko. Childish.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may umakbay sakin. Handang handa na yung kamao ko para suntukin siya ngunit nang makita ko si Creai ay ngumiti lang siya sakin. I can't still resist her angelic face. Parang ang hirap niyang saktan, manghihinayang ka kasi sa mukha't katawan niya, sayang.
"Ready?" Tumango lang ako bilang tugon. Inalis na niya ang pagkakaakbay niya sakin at tumungo sa living room at roon umupo.
Hinila ko na rin yung luggage ko at sumunod kay Creai. When Rhodri saw me, his wickedly smile AGAIN are evident on his face. This fvcking pervert guy is really something. And I don't want to know what's with that 'something'. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumabi na kay Creai. We're waiting for the two. Lagi naman silang nahuhuli eh, kung minsan man ay nauuna, sobrang aga naman na may times eh nang-iiwan pa. Well, parehas naman ata silang bagot sa buhay. Kalyana and Prix has the same intensity of being coldness. But Prix is... I don't know, I can't describe what he really is.

YOU ARE READING
Tale Of Descendants
FantasyThe journey of the Descendants of the three worlds. This is the Tale of Descendants Date posted: November 28 2020 Date finished: ---