14: LADY DIAMOND IS DEAD

15 2 0
                                        

14: LADY DIAMOND IS DEAD

“Welcome to Dead Mansion.” Nakangiti kong sambit habang nakaharap sa Deltas. Their eyes were sparkling, shining. Ewan ko ba. Nakakataba talaga ng puso kapag may nagagandahan sa Mansion ko. This is my own designated Mansion. Ako ang nag-isip ng anyo nito.

A lot of people called it a Dead Mansion, a Curse Mansion, a Massacre Mansion or even an Evil Mansion. But the thing is, this is a Brilliant Mansion, a Diamond Mansion. My Mansion. And this is the only thing I really treasured. This is the fruit of my blood, sweat, and tears. Ito ang nag-iisang nagawa ko gamit ang mabuting kawang gawa. Hindi ito galing sa iligal. Kaya sobra sobra na lang ang pagmamayabang ko rito.

Kahit nabahiran ito ng kadumihan ng Pamilya, hinding hindi ko ito isusuko. The Dilleon Family. I really want to bury them. But they’re powerful, more powerful than me. Kaya kapag kinalaban ko sila. Ako ang dehado. Ako ang masama. Ako ang babagsak.

Unti unting namumuo ang mga luha ko nang mapatingin ako sa gitna ng Mansion. My worst ever nightmare.

“W-what are you doing here?” My eyes widened when I saw her at the backyard of my mansion. “Hindi ka pwede rito! Alam mo naman ‘yun ‘di ba?”

“Dia naman,” Napanguso siya. “Nabobored lang kasi ako sa bahay namin e.”

“Then, dapat tinext mo na lang ako! Ako na lang sana ang pumunta sa bahay niyo.” I exclaimed in annoyance. Mapapahamak siya dito e’! fvck it!

Nakita kong napakamot siya sa ulo niya habang nakanguso. “Bakit? Andyan ba sila?”

I rolled my eyes at her. “Obvious ba?” I asked. Naiinis talaga ko sa babaeng ‘to! Gusto laging pinapahamak ang sarili. Kahit na sabihin kong bawal e’ gagawin niya pa rin. She loves to do the opposite! And minsan gusto ko na lang siya itali sa gilid ko para hindi na makagawa ng ikapapahamak niya.

“Sorry na! E’ kasi naman pumupunta ka lang sa bahay para gumawa ng turon eh. Hindi na tayo masyadong nakakapag bonding. Alam mo na, liwaliw ganon.”

“Pwes, this isn’t the right time for that! You need to get out of here.” I grabbed her wrist at tinahak ang daan na dinaanan niya rin kanina. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, nakarinig kami ng putok ng baril. Napatili siya kaya tinakpan ko yung bibig niya.

I immediately grabbed her behind the trees. Nakita ko naman yung mga taong nakamask na itim at may mga hawak na mga baril. Tila may hinahanap. I’m sure they heard her screamed kaya nagsilabas sila. I looked at her and saw her stiffened on what she’s seeing. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko iyon.

From: Delmon
‘Where the hell are you!? Hinahanap ka ni Dad. Mr. Arzuela is gone.’

Napakunot naman ang noo ko. As if I care to that bald old man, Arzuela. Itatago ko na sana yung phone ko nang tumunog ulit ito.

From: Delmon
‘There are some rats on your fvcking mansion! Hinahanap nila! Nasaan ka?’

My eyes widened. No freaking way! Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko siyang nangangatog. She’s scared. Gusto kong magsorry dahil nandito siya sa sitwasyon na maaaring magpahamak sa kanya. And it’s my fault! At lalo na ngayon! May mga bibwit na nakapasok sa Mansion. And I’m sure na kapag nakita nila siya, baka akalain nilang isa siya sa mga kalaban.

I’m scared for her

I held her hand at pinilit siyang tumingin sakin. She must get out of here as soon as possible. Hindi imposibleng may mangyari sa kanya. And I don’t want that to happen.

Tale Of DescendantsStories to obsess over. Discover now