2-25-
My Memo
5:40 p.m.It's been almost one month since the last time we had a conversation. Hindi ko alam bakit tumigil. Paano natigil pero nagising na lang ako na nakatulala sa active status mo. Hoping that after seconds, magpo-pop na 'yong chat head mo para e-check ako kung nakakain na ba 'ko, kung pauwi na ba 'ko, at kung may nagpapasakay ba sakin na tricycle tuwing umuulan ng grabe. O 'di kaya, random chat lang para mag send ka ng mga nakakatuwang videos or pictures just to lift up my dull mood.
Isama narin natin ang pangugulit mo na samahan kita sa mga lakad mo, sa mga inuman mo at para sana makilala ko na ang mga matatagal mo ng mga kaibigan. Dati kasi kahit ilang araw tayong hindi mag-usap, alam ko sa sarili ko na babalik ka eh, na kakausapin mo parin ako, na hindi ka maiinip na ikaw palagi ang mauunang e-message ako at na hindi ka mapapagod na intindihin ako. But I guess, the thought about it was just clearly wrong. I was purely wrong.
Siguro masyadong naging malaki lang talaga yata ang kumpiyansa ko na hindi mo gagawin ang mga bagay na gawain na ng ibang tao sakin. Na saktan ako kahit sa maliit na paraan o ang iwanan ako na mabitin sa ere. I have so many many thoughts inside my mind that I can't put into words. Maniwala kaman o sa hindi, sobrang dami ko sana gustong sabihin sayo-infact marami pa sana akong sasabihin sayo kaso wala, eh. Siguro nagpalunod lang ako sa takot. Ang takot ko sa isang bagay na hindi paman nangyayari pero kinatatakutan ko na. At ngayon, hindi ko alam na mas nakakatakot pala kapag nangyayari na ito ngayon mismo.
The feeling of fear, of abandoment and my insecurities got me really hard. Aaminin ko, duwag akong sumugal pagdating sa mga tao. Siguro kasi isa lang 'to sa mga sarili kong paraan para maprotektahan ko ang aking sarili sa mga posibleng sakit na maidudulot ng mga tao na papapasukin ko sa'king buhay.
Pero 'di ko inexpect na ang playsafe kong tinatawag ay 'yon pa pala ang magiging dahilan kung bakit tayo dumating sa point na 'to. Sa point kung saan inaasa ko na lang ang lahat sa wala. Sa point na tinititigan ko na lang ang pangalan mo na dati, nagme-message pa sakin. I won't be mad if you already have decided not to talk to me anymore. And I won't gonna deny the fact that I was the one who left you on read from our previous talk. Things doesn't felt so right so I needed to distance myself that time. Even with that, I still hope for the days na sana mabigyan tayo ng chance pag-usapan ang dapat pag-usapan. I still hope for closure. I still hope for you, Cole.
-Margaux.
BINABASA MO ANG
Just A Thrill
Fiksi RemajaJust A 1 of 4. Aux felt too thrill when Cole, her twitter crush who was also her childhood friend followed her back on this certain app. And the next thing she knew, someone already slid to her dm also.