CHAPTER TWO

227 15 0
                                    

*************

@batanginlove: I went to see him ...

@peachymaganda: Alam ko. (smirks beautifully)

@batanginlove: Pano mo nalaman?

@peachymaganda: Halata eh.

@batanginlove: Sige nga, hulaan mo anong nangyari?

@peachymaganda: Ayoko nga! Tinatamad ang ganda ko. Sabihin mo na lang ano na naman kagagahan ginawa mo.

@batanginlove: Tumakbo ako.

@peachymaganda: HUH! Chicken mo--

@batanginlove: Fortunately, I  didn't see him. 

@peachymaganda: Ano?! Eh san napunta ang baklang yun? Bakit ba kasi may patakbo-takbo ka pa? Malay mo nung umalis ka eh saka naman siya dumating? Care to explain nga Baby Girl.

@batanginlove:  Nakita ko kasi si --- ugh ayokong itype pangalan niya dito. Baka malasin ka rin.

After I pressed the'send' button nakarinig ako ng mahinang katok.

"Ned?" narinig kong tawag ni Mama.

Imbes na sumagot tiniklop ko na lang laptop ko at umupo ng maayos sa headboard ng kama ko.

"Ned, papasok ako anak." then I heard a door opening and small footsteps approaching.

"Ned, ngayon dating ni Terrence. Your Kuya told me ---"

OHMYGOD!!!! Takte! Nagsumbong kaya si Kuya?

"Na nasa airport na daw sila and kasama na nila si Terrence. Mamaya pa daw sila makakauwi kasi may dadaanan pa daw sila. And I want you to help me and your Tita sa mga decorations sa bahay nila."

Hooh! Relief washed through me.

Yes! Hindi pa nagsumbong ang magaling kong Kuya.

Ayokong bumaba at tumulong kasi ayokong pumasok sa bahay nina Terrence. They're house is just across ours. Kapitbahay lang. I used to visit him their always. Pinapasok ko pa nga siya sa kwarto nya para gulohin lang siya.

"Anak?! Sige na please labas ka muna." and I saw her pouted. Madilim ang kwarto ko at ang lampshade lang sa gilid ang nagbibigay liwanag dito.

"Anak, wag ka ng magmukmok dito. Hindi ka makakamove on nyan. Sige na, para makalanghap ka naman ng sariwang hangin. Tyaka para sa childhood friend mo din naman toh eh." she pleaded.

Bigla tuloy akong naguilty.

Ma, kung alam mo lang. I sneak out kanina lang. Para makita ang aking oh-so-called childhood friend na lingid sa kaalaman mong first love ng bunso mo.

I can't say no. Parang may ibang choice naman ako. Hindi naman ako makakapagsalita. Kaya mahinahon akong tumayo and I saw my Mother's face flash a happy smile.

***********

Blangko ang mukha ko. Pero gusto ko na naman tumakbo at bumalik sa loob ng kwarto ko. This house knows a lot about my feelings. Ayokong pumunta dito dahil lahat ata ng sulok nito ay may hinahawakang alaala.Idagdag pang kinakabahan ako. Dumidilim na and I know anytime dadating na sila. Ano na lang gagawin ko, ano sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami mamaya?

Kanina naman ng makarating kami imbes na tumulong ako ayaw naman akong patulungin ng Mommy ni Terrence. Kaya wala akong magawa kundi maglibot-libot lang sa bahay nila. Wala namang medyo nabago. Ang sabi ni Tita gusto niyang panatilihin ang lahat sa dating ayos nito para pagdating ni Terrence ganun pa rin daw  katulad ng dati. So he could  be comfortable.

Love at ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon