Chapter Six

28 2 0
                                    


Shoutout po kay Ivan Kurt Ragasa. This is how I thank you. Keep on reading! Fighting!

Ned's POV

I was still staring at my phone intently. My brows creased in confusion after hearing Peachy's voice. Maybe I was just hallucinating. Or dahil sa sobrang excitement ko ay kung ano anong bagay na lang ang naririnig ko. Kaya naghintay uli ako na magsalita ito para maging mas malinaw ang lahat.

"Hello?" the other line spoke again. At mas lalong luminaw ang lahat. Nagpapanggap lang akong hindi makapagsalita pero hindi ako nagpapanggap na bingi. Tyaka hindi rin ako bingi, matalas pa ang sense of hearing ko.

At ayun sa narinig ng tenga ko, ang boses nayun ay baritono at hindi sweet voice. Isa lang ang ideyang agad na pumasok sa isip ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang cellphone na hinahawakan ko. Napaawang din ang bibig ko sa impormasyong kasalukuyang pinoproseso ng utak ko.

'My gosh! Bakla si Peachy?'

Hindi ko makapaniwalang sabi sa isip-isip ko. And I was deceived the whole time? I thought she was a girl. Pano nangyaring bakla siya? At unti-unti kong inalala lahat ng convo namin sa Wattpad.

Napatakip ako sa nakaawang kong bibig ng may matandaan ako,' kaya pala ganon siya gumamit ng words. Bakit hindi ko kaagad namalayan iyon?'

Nagpatuloy ako sa pag-iisip ng mga clues na nagpapatunay na bakla siya all along at nakalimutan ko na hindi pa pala nakaend ang tawag.

"Hoy! Ned!" sigaw ng isang pamilyar na boses na halos mapatalon ako sa gulat. Sigurado akong boses yun ng bakulaw kong kapatid kaya agad akong napalingon sa pinto. Pero wala namang nakatayo dun. Agad na nilibot ko ang paningin sa madilim kong kwarto ngunit wala akong taong nakita.

'Napapraning na ata ako. Kung ano-anung bagay na ang naririnig ko.'

"Hoy! Ned bumaba ka na dito bago ko pa ubusin lahat ng pasalubong ni Terrence sayo." Malakas na sigaw uli ng boses ni Kuya and this time alam ko na saan nanggagaling ang boses nayun.

Sa cellphone.

"Ned. Halika na, bumaba ka na." napalitan ang nakakairitang boses ng kapatid ko sa isang mahinahon at wari'y nakangiting tinig ng ibang tao. 'Terrence.'

"Tyaka kailangan ko pang magsorry sayo. Kaya bumaba ka na. hmmm. See you." And he ended the call.

I exhaled deeply. Napapikit ako at inisip ang mga nangyari. 'akala ko bakla ang kaibigan ko.' and I was a bit relieved that it was not Peachy after all. Kinapa ko ang dibdib ko.

'Kakayanin mo kaya ang gabing ito?' Napatingin ako sa cellphone ko na hawak ko pa rin. It was still seven in the evening. 'Mahaba-habang pagpapanggap na naman ito. I can do this, right? Madali lang namang magpanggap na wala akong pakealam, diba?'

Then I prayed a silent prayer and seconds later I stood up and head towards my door.

_____________

Nasa living room kami kasama ang buong pamilya ko at ni Terrence. Masayang-masaya ang lahat habang nagku-kwentuhan maliban na lang sakin na pinapanatiling blangko ang expression. Ako ang pinakabata sa lahat ng nakapalibot sakin.

"bro, san na yung pasalubong mo sa bunso natin?" malakas na sambit ni Kuya kay Terrence. Pero hindi nakalampas sa mga mata ko ang pagtingin niya sakin sabay tango at ngisi. Isang evil grin na ibig sabihin ay may masama itong plano.

Biglang nalipat ang atensyon ng lahat kay Terrence. Si Terrence naman ay tumayo at may kinuha.

"Ano kayang regalo ng kuya mo sayo Ned?" mas excited pa ata si Mama kay sa sakin dahil ngiting-ngiti ito. Bumalik si Terrence buhat ang isang kahon. Pagkatapos ay nilapag niya ito sa mesa na mismong kaharap ko. Tinitigan niya ako habang nakangiti,"open it."

Pero tinitigan ko lang ito.

Gusto kong buksan ito pero pinangungunahan ako ng hiya. Nacucurios ako kung anong laman nito. Naglalaro sa imahinasyon ko ang scene habang binili ni Terrence ang mga pasalubong niya sakin. Iniisip ko pa lang yun ay umiinit na ang pisngi ko. He was thinking of me while picking these gifts.

"Ako na nga lang ang bubukas." Biglang salita ni Kuya sabay tingin sakin. Pero pinanliitan ko siya ng mata at iniling ang ulo. 'no you can't you nosy bastard.'

"Just kidding." He raised his hands as if he is surrendering.

"You can open it later if that's what you like Ned." Terrence said calmly. "Napakathoughtful mo naman Terrence. Kahit busy ka pa, may panahon ka pa talaga para bumili ng pasalubong naming lahat." My mom was quick to sense that I was conscious being the certain of attraction so she diverted the topic. Kaya bumalik na naman sila sa pagkukwentohan.

At habang masaya silang nag-uusap panay tingin naman ako kay Terrence. I can't help it. Ang gwapo-gwapo na niya. Malayo sa dating Terrence na kilala ko. Madalas na siyang ngumiti at napakahinahon na niya. Masyadong mabait ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Well, nagmature nga siya.

Pero ako, masyado pang bata ang isip ko. Sa paglipas ng ilang taon nagmature siya habang ako, naging consistent lang. Pati ang feelings ko consistent din. Masyado siyang naging sentro ng mundo ko kaya feeling ko wala akong masyadong na achieve kompara sa kanya.

"So, pano mo nakilala si Hera?" my inner talks was interrupted by that one damned question. Pinagmasdan kong maigi ang reaksyon ni Terrence. He smiles widen causing his eyes to grow smaller. Tyaka ay nilapag niya ang basong hawak-hawak. Hindi siya agad nagsalita wari'y iniisip ang mga detalye ng una nilang pagkikita. NAgsimulang bumuka ang bibig niya pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

I bit my lips, the jealousy must be written all over my face. Yumuko ako para hindi nila masyadong makita ang mukha ko. Nakita ko ang juice na nakalapag sa mesa kaya nagsalin ako at pinuno ang baso ko.

"Sa café. She used to study in a café. Minsan kapag exam dun siya tumatambay buong gabi since it was a 24 hour café at nagtatrabaho ako ng part time doon." He started relating his story.

And I started gulping huge amount of the juice. Ang sakit sa puso. Parang pinipiga na may anong masakit na nakadagan dito. Parang tinutusok ng libo-libong patalim. Nagseselos ako kahit wala akong karapatan, nagsasaktan ako kahit wala naming kami. Nung masaya sila sa states nag-iisa ako at naghihintay sa kanya. So, this is what I've got after all those years. I smiled bitterly.

Habang patuloy na nagkukwento si Terrence ay patuloy naman ako sa pag-inom ng juice.

"Well, una ko talaga siyang napansin nung binuhusan niya ng juice ang isang customer. Turned out ito yung babaeng umagaw ng boyfriend niya. Ako ang nag-assist sa kanya palabas, akala ko iiyak siya like some cliché movies pero tumawa siya and started talking to me."

Tinitigan ko si Terrence and he was smiling from ear to ear. Nag-eenjoy talaga siya. My brow creased. Wait, bakit dalawang Terrence ang nakikita ko? Kinapa ko ang mata ko pero ang hirap itaas ng kamay ko.

"Excuse me I have to take this call." Nakita kong tumayo ang dalawang asungot na Red. No! Bat may kakambal si Kuya. Hindi pwede, dalawa na ang mambubully sakin. Inilinga ko ang paningin ko sa paligid.Nakita kong may kakambal lahat.

I slowly shake my head, I feel light headed. Naduling na ata ako. Ipinikit ko ang mata ko dahil parang nahihilo ako sa mga nakikita ko.

"Wait, who drink this all?"

"Hindi ko alam dy"

"Nakita ko si Ned umiinom kanina. Sa tingin ko inubos niya."

Feeling ko masusuka na ako sa sama ng pakiramdam ko. Kaya iminulat ko ang mga mata ko at tumayo pero mas lalong lumala ang nakita ko na para bang umiikot ang paligid. And my eyes were unfocused. Napatayo ang dalawang Terrence. Parang slow motion ang paglapit niya at unti-unting tumatagilid siya sa paningin ko.


'Why do birds suddenly appear, every time you are near? Just like me, they long to be. Close to you.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon