CHAPTER THREE

200 17 3
                                    

"Ang laki mo na. Hayst, ang bunso namin dalaga na."

Para akong sinaksak ng milyong patalim matapos niyang banggitin ang mga katagang yun. Gusto kong umiyak at humiga sa gitna ng daan. Kung hindi dahil sa braso nyang nakapalibot sakin ay siguro naka luhod na ako sa sahig. Masyado palang masakit yun?

Sa kanya mismo ng galing na dalaga na ako at malaki na pero sa kanya rin mismo galing na bunso parin niya akong kapatid. Hindi nga kami magkapatid eh. Ano bang pinagsasabi niya? Sa gitna ng mga mental talks ko ay hindi pa rin mawala ang lakas ng pintig ng dibdib ko dahil sa pagkakayakap niya sa akin.

"Terrence," a soft voice called him. And slowly he let go of me from his tight hug to see who's calling him.

Gusto kong magprotesta kasi hindi pa ako nakokontento sa yakap niya sa kin. I look up and saw Terrence smile widen. Dumapo ang tingin ko sa pinang gagalingan ng boses.

"Hera," he said bago tumakbo ang babae papunta sa direksiyon namin. She leap and wrap her arms to embrace Terrence, ganun din ginawa ni Terrence in return. Napaatras ako ng kaunti at dahil feeling ko ay na-O-O.P ako.

"I miss you," the girl name Hera said. "I miss you too." Terrence replied still smilling.

Ako? Hindi maiwasang magselos kaya binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko. Namalayan kong wala na pala ang mga batch mate nila.

"Hoy!" may biglang nagsalita sa gilid ko at mabuti na lang hindi ako tumalon dahil sa gulat. Tiningnan ko ito at si Kuya lang pala. He is smirking like he knows someting. Of course he knows something.

"Red, Ned." I heard Terrence called.

Buti naman tapos na siyang harutin ng babaeng yun. Kung makayaap kasi, wagas.

Sino ba kasi yan? Dati nyang hair stylist? O tagamanicure nya? O distant relative?

Ayokong tumingin sa kanila kaya nakaglue lang ang paningin ko sa sahig.

"I want you to meet Hera, my girlfriend."

Girl Friend, babaeng kaibigan nya? Yun ang ibig sabihin nun diba? O yun ang gusto kong ibig sabihin ng salita yun?

"Hera, meet Ned and Red Angeles. Childhood friend ko at magkapatid sila."

Tuluyan na akong nanghina. Childhood friend? Ano bang pinagsasabi ni Terrence?

Ako nga ang first kiss nya!

Namalayan ko na lang na napahigpit na ang hawak ko sa braso ni Kuya. Kasi nanghina ang tuhod ko.

"Wait, Ned?" I heard her voice again.

Ngayon tinatawag ako nito, "kaya pala sobra niyang familiar, she's one of my students." she said happily kaya napatingin ako sa kanya.

The moment I did agad ko syang namukhaan. Ang WorldLit teacher namin, si Heather Charm. Siya ang Girl Friend ni Terrence. So ibig sabihin?

Kailangan ko makita ang pagmumukha ng manicurista ni Terrence araw araw at magtanong kung bat niligawan nya ito? Kung anong nagustohan niya dito? Hanggang sa mamatay na lang ako sa kakaisip?

"Hera, is that you?" nakita ko ang papalapit na Mommy ni Terrence na agad namang niyakap ni Ms. Heather. Wow, close sila. Sumunod namang yakapin ni Tita ang anak nya. Nung matapos kumulas ni Tita ay inaya niya kaming lahat na pumasok na.

Biglang huminto si Terrence habang kasalukuyang nakapulopot ang braso ni Miss Heather sa braso niya.

'Aba, koala ba toh? Kung makakapit talaga, tsk!'

Love at ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon