Prologue (The Accident)

47 0 0
                                    

I shouldn't feel this way.. Goddamit, he's my best friend! I can't let myself fall in love with a man who's unluckily my best friend. This is insane. What we did was a mistake.

Napailing si Kairie habang nagmamaneho ng sasakyan sa kahabaan ng NLEX. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta kailangan niyang magmaneho upang makalayo at makapag-isip. Naguguluhan siya at nagagalit sa kanyang sarili. Lalo siyang na-guilty ng maisipang nag-iisa niyang kapatid na si Kisha. Bumalong na naman ang luha sa mga mata niya.

Your sister was in love with Lokey, Kairie, and you're fully aware of that! Why did you let that happen? You just ruined your relationship as sisters, as well as your friendship with Lokey. Now you will both lose them, and there's no one to blame but you. You should have just hold back and kept your feelings. You and Lokey are better off as best friends, patuloy na paninisi niya sa kanyang sarili.

Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho. There are only few vehicles on the road because it was already past twelve midnight. Napakislot siya ng tumunog ang cellphone niya. Kinusot niya ang kanyang mga mata saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Lukass Gabriel Hermosa. Napalunok siya at kumabog ang dibdib niya. It was him. Oh, stop it, Kairie! I said you can't fall in love with him. Get real, paalala niya sa kanyang sarili. Padarag niyang kinuha ang nag-iingay niyang cellphone at pinatay iyon. Hindi sila puwedeng mag-usap ni Lokey. Not now. Baka kapag narinig niya ang boses nito ay maiyak na naman siya at alam niyang mag-aalala ito. Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil ginawa niyang kumplikado ang lahat. Bakit ba kasi niya hinayaan ang sarili na magpakalasing na kasama ito? Nalaman tuloy nito ang damdamin niyang pinakatago-tago niya.

Itinago niya dahil alam niyang hindi nito tutugunan iyon at may masasaktan siyang iba na mahal na mahal din niya. Dapat ay nakuntento na lang ang puso niya na kasama niya ito palagi. Pero hindi. Ngayon tuloy ay heto siya at tinatakbuhan ang problemang ginawa niya.

She cried hard again while driving. She just can't help it because her heart is so heavy. Her head is also aching now. Nahihilo pa rin siya sa kalasingan, pero mas iniinda niya ang sakit ng puso niya. How can she turn things back to normal now? She just ruined their friendship, ruined everything! Oh, Kairielyn Villoso, you are such a pain in the ass. Your dad's right all along. You're a mess. You're only good in making people get mad at you. She cried and cried again. Tila sirang plaka na naririnig niya sa utak ang kanyang ama. She is just a disappointment, a nobody. Dati ay hindi siya gaanong nasasaktan dahil nariyan si Lokey para ipaalala sa kanya na may halaga siya sa mundo, na may karamay siya at nagmamahal sa kanya. Pero ngayon, wala na. Siya na mismo ang nagtulak palayo rito.

Bigla siyang nakarinig ng mahaba at malakas na busina. Sa nanlalabong mga mata ay napamulagat siya ng makita ang isang truck na papasalubong sa direksyon niya. Dahil sa nahihilo na siya ay hindi niya na napansing may makakasalubong pala siyang truck. Napapikit siya sa silaw ng headlights nito at pilit kumambiyo upang maiwasan ang truck. But it's too late. She knew she would get hit by the truck.

When she finally heard a bang and felt something fell off, she closed her eyes and everything went blank.

My Lost and Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon