.2 Years later.
"Luke!"
Mula sa pagbabasa ng mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya ay nag-angat ng tingin si Lukass. Naroon sa pintuan at nakangiti ng malapad ang isang sexy at magandang babae. It was Kisha Marie Villoso. Ngumiti siya ng matipid at sinenyasan itong pumasok.
"May problema ba, Kisha?," tanong niya ng makapasok ito.
Sumimangot lang ang twenty-three years old na si Kisha. Mas matanda siya rito ng limang taon pero hindi siya nito kailan man tinawag na kuya.
"Tingin mo talaga sa akin, laging may ginagawang problema, ano? Ayan na lang lagi ang una mong bungad kapag dinadalaw kita rito," sagot nito.
Natawa siya rito. "Kagabi lang tinawagan mo ako para sunduin ka sa isang bar sa Makati. Ayun pala e naroon ang boyfriend mo na halos patayin ako sa tingin ng sunduin kita. Muntik pa akong mapaaway," naiiling na sambit niya.
Kagabi lamang ay bigla siyang tinawagan nito at nagpapasundo sa isang bar. Nag-alala agad siya dahil halatang lasing na ito. Hindi niya kayang hayaan mag-isa itong umuwi kaya nagpunta siya roon. Isa pa, nangako siya sa sa isang napakahalagang tao sa buhay niya na hindi niya pababayaan si Kisha. But in the end, that important person for him was the one he didn't take care enough of. Kung sana ay hindi niya ginawa iyon, hindi sana ito mawawala sa kanya. Sa naisip ay biglang dumaan ang pamilyar na kirot sa puso niya. Pamilyar dahil dalawang taon na rin niyang pinagdadaanan ito.
"Correction, ex-boyfriend ko na 'yon. Kaya nga ako nagpasundo kasi nangungulit na siya."
Hindi siya sumagot at napailing na lang habang nakatingin kay Kisha na ngayo'y nakaupo na sa couch niya at inilabas ang dala nitong chocolates. Mahilig itong kumain ng matatamis. Nagsimula na itong lumantak ng Toblerone. Itinaas pa nito ang mga binti nito at ipinatong sa center table niya.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Kumirot bigla ang puso niya. That smile is so familiar. "You want chocolate, Luke?," alok ni Kisha sa kanya.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Napunta na sa ibang dimensyon ang utak at puso niya. Kairie.. It's been two years since he last saw her beautiful smile. Hindi pa rin matanggap ng puso niya na wala na ito. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya na babalik ito. One day she would, he believed that. Kairie once promised her she would never leave his side. Patuloy siyang maghihintay.
"Luke.."
Napakurap siya at tiningnan muli si Kisha.
Kisha is Kairie's younger sister. Hindi gaanong magkamukha ang mga ito ngunit kapag nakangiti si Kisha ay para rin itong si Kairie. But Kairie's smile is still more beautiful and refreshing for him. Siguro ganoon talaga kapag ang taong mahal mo ang tinitingnan mo. Napahinga siya ng malalim at pilit na iwinaksi muna sa isip si Kairie. Ayaw niyang mahalata siya ni Kisha.
Bakas sa mukha ni Kisha ang pag-aalala at lungkot. "Lumilipad na naman ang utak mo, Luke."
Ngumiti siya ng malamya. Since Kairie vanished without a trace, his smile had changed. His eyes isn't glowing anymore. He can't smile naturally, he forgot how to be happy, because his happiness was taken away by Kairie.
"Pagod lang ako sa dami ng trabaho, Kisha. May big client kasi kami at kailangan ko iyong asikasuhin," sabi na lang niya rito.
Tumango ito. "Why don't we go out today, Luke? Para naman mawala 'yang stress mo. C'mon, you deserve a break!"
"As much as I want to, I still have to finish some important things. I need to settle the documents needed for the construction of the new branch of hotel in Baguio. May meeting pa ako mamaya sa mga restaurant owners na kukuha ng place sa new hotel. Maybe next time, Kisha," tanggi niya rito.
"Oh, work, work, work! Grabe, ang busy mo na ngayon, Luke. Natutuwa ako na ngayon responsible ka na at mature, pero wala ka na rin time for yourself! If ate Kairie's here, for sure she'll drag you out of your office and convince you to take a break. Si ate lang naman ang nakakapagkumbinsi sa iyo e," ani Kisha na may bahagyang ngiti sa labi. Malungkot ang boses nito, siguro dahil nangungulila rin ito sa ate nito.
Bumigat ang dibdib niya. Yes, if Kairie was here, she wouldn't let him sit and study documents all day at his office. She knew he hated that.
She knew he's an outdoor person. He would choose to go drag racing rather than sit at the office for eight hours. Adrenaline rush is what his blood is longing for. And besides that, he also love music. Dati siyang member ng isang banda. But he quit when Kairie left. Iniwan niya ang lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya rito. Kinailangan niyang baguhin ang sarili niya para manatiling buhay. Dahil alam niyang hindi niya kayang gawin ang mga ginagawa niya noon kung wala si Kairie. His best friend, and his secret love.
"Let's not talk about her, Kisha," he said coldly.
Tumigas ang anyo ni Kisha. "Luke, ate Kairie is gone. She will never come back because she's dead. When will you finally accept it and move forward? We're happy you finally became serious in life and leave dangerous sports you used to love. But Luke, I don't know you anymore. Hindi na ikaw yung dating Luke na masayahin at laging nakangiti. You became cold and serious. Sana bumalik na yung dating Luke," basag ang boses na sabi ni Kisha.
"Kairie's not dead, Kisha. Naniniwala akong babalik siya. We never see her body on her car. Wala ring natagpuang katawan sa bangin. Buhay siya, Kisha. Kahit ano pa ang sabihin ninyo, hindi ako titigil sa paghihintay. Babalik lang ako sa dati kapag bumalik na siya," he said quietly.
"But Luke"-
"Sorry Kisha, pero marami pa akong gagawin. Kung wala ka ng ibang sasabihin, you may now go," he said in a dismissal tone. Hindi lang siya naging cold at seryoso, he also became ruthless.
"F-fine," at lumabas na nga ng opisina si Kisha.
Pagkaalis nito ay umupo siya sa kanyang swivel chair at napahawak sa kanyang ulo. Nakita niyang may tumulong luha sa mesa niya. He didn't even know he's crying. Again. Parang hinihiwa sa dalawa ang puso niya tuwing naririnig niya sa iba na patay na si Kairie. Lahat ng mga ito ay tinanggap na ang pagkawala ni Kairie. Just like that, they forgot about her. Kairie's father didn't even cried the day they learned Kairie was involved in an accident. Tila walang pakialam ang pamilya nito rito. At ngayon si Kisha ay tanggap na rin na hindi na ito babalik pa. Siya na lamang ang naniniwalang buhay ito. He even hired a private investigator to find Kairie, but still there was no sign of her.
Kasalanan niya kung bakit umalis si Kairie ng gabing iyon ng lasing at umiiyak. Kung hindi niya sana nasabi ang nararamdaman niya noon, nasa tabi pa rin niya sana ito. It was all his fault. No one can say to him to move forward because he's still searching for her. If he hadn't confessed his ultimate secret to her, she won't get upset and drunk too much. If only he was contented with what they had, Kairie won't walk away from him and got engaged in that tragic accident.
Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha niya ang isa sa tatlong picture frame na nasa mesa ng opisina niya. Napangiti siya ng masilayan muli ang mukha ng babaeng matagal na niyang gustong makita muli. He was only nine years old on the picture while she was six. Sa litrato ay nakaakbay siya rito atnakangisi habang ito naman ay nakasimangot habang may hawak na laruang kotse. Bata pa lang sila ay magkaibigan na sila. Naalala pa niya kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila..
BINABASA MO ANG
My Lost and Found Love
RomanceFor two years, Lokey is in a quest of searching Kairie, his best friend and secret love. Nasangkot sa isang car accident si Kairie two years ago at simula noon ay hindi pa rin nakikita ang katawan nito. Kairie's father, even her stepsister accepted...