Chapter 5 (It's Primrose, not Kairie)

16 0 2
                                    

        NAPATIGIL sa pagkanta si Primrose ng makita niyang tumayo ang isa sa mga judges sa sinasalihan nilang band audition. Bigla siyang kinabahan. Ayaw na rin ba silang pakinggan nito at pinapatigil na sila? God, she badly needed this job. Her band needed this. Nag-uumpisa pa lamang sila, at ang pagtatayo ng isang sikat na five-star hotel sa kanilang probinsya ay isang pambihirang opurtunidad na hindi dapat palagpasin.

Sila ang pinakahuling banda na susubok na makuha ang atensyon ng mga judges. Ang naunang pito kasi ay umuwing mga bigo. At ang sabi ng mga ito, ang lalaking nasa gitnang upuan ang nagpapatigil sa mga ito. At ngayon, pati yata sila ay uuwi ring walang mapapala.

She looked at the guy who is now standing in front of his chair. Bigla siyang namula at kumabog ang dibdib ng mapansing nakatitig ito sa kanya. He was really staring at her, at hindi maitago sa mukha nito ang halo-halong emosyon: gulat, mangha, at tuwa

 Ilang sandaling nakipagtitigan siya rito. Ngayon niya lamang napansin na guwapo ito. Ang sabi ng mga nag-a-assist na empleyado sa kanila kanina, ang pamilya raw nito ang may-ari ng Herms Hotel. His face looks so cold and arrogant when they entered the stage that's why she felt nervous they would be turned down by this man.

Pero ngayon ay tila nagkabuhay ang mga mata nitong kulay abo. God, he has the most beautiful pair of eyes she had ever seen in her entire life. Nakasuot ito ng dirty white polo na nakatupi hanggang sa braso nito at naka-slacks. Mukha itong isang modelo.

"Prim, ano'ng nangyari diyan? Natulala yata sa galing mo," biglang bulong ng kabanda niyang si Laxus.

Hindi na siya nakasagot ng biglang nagsalita ang lalaki.

"Kairie.."

Napakunot ang noo niya sa binanggit nitong pangalan. Who's Kairie?

Tumayo na rin ang babaeng katabi nito kanina. "Sir Lukass, what's wrong?"

Hindi ito sumagot, bagkus ay unti-unti itong lumapit sa stage. Biglang kumabog ang dibdib niya dahil hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. At hindi rin niya alam kung bakit tila namagneto ang mga mata niya rito. She didn't even realize she's holding her breath while waiting for him to come over.

"Ano'ng gagawin niya?," naguguluhan ng bulong ng isa pa niyang kabandang si Chuck.

Nang tuluyan itong makalapit sa stage ay mabilis itong umakyat patungo sa kanya. Naguguluhan na rin siya. Ano nga ba ang ginagawa ng lalaking ito? Ngunit magkaganoon man, wala siyang makapang panganib rito. So she remained in her place and grip tightly at her guitar.

Nang dalawang metro na lamang ang distansiya nila sa isa't-isa ay kumabog ang puso niya ng maamoy ito. He smells natural and clean. "I found you, atlast," he said, almost a whisper while looking at her. She could not believe what she saw in his eyes. Tila anumang sandali kasi ay iiyak ito.

Napalunok siya. "W-what? I don't u-understand.."

Bigla nitong hinawakan ang isang braso niya. "It's me, Kai. I'm Lokey. God, I've been searching for you in the past three years. Where have you been?"

Napamulagat siya. Ano ang sinasabi nito? Tila naipagkamali yata siya nito sa ibang tao.

Bumuka ang mga labi niya ngunit hindi niya mahanap ang mga tamang salita upang sabihing hindi siya ang taong hinahanap nito. Hindi niya alam kung bakit parang nasasaktan din siya sa nakikita niyang emosyon sa mga mata nito dahil akala nito ay nahanap na nito ang Kairie na iyon. Whoever that girl is, she must be very important to this guy.

Biglang may mga kamay na naghila palayo mula sa hawak ng lalaki sa kanya. Mabilis niyang nilingon iyon. It was Chuck, her bandmate. "Sorry dude, pero nagkakamali ka. Kung sino man ang hinahanap mo, malamang na hindi iyon si Prim. Her name's Primrose Luzano, not Kai. Huwag mo sana siyang takutin," matigas na sabi nito.

My Lost and Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon