Chapter 4 (Long Wait Is Over)

12 1 0
                                    

"SIR, mamayang 8pm po ang audition ng mga singers at bands para sa resto bar ng Herms Hotel Baguio Branch. You need to be there Sir, as Mr. Hermosa instructed."

Napakunot ang noo ni Lukass habang naglalakad sa pasilyo ng bagong Herms Hotel sa Baguio. Katatapos lang ng luncheon meeting niya kasama ang mga board at managers ng bagong hotel na mag-ga-grand opening sa Sabado. Narito siya sa Baguio dahil sa kanya itinalaga ng ama ang pag-aasikaso roon. Nagbigay na lamang siya ng mga karagdagang instructions para ma-settle ang lahat. Alam nila na marami ang nag-aabang sa pagbubukas ng five-star hotel nila.

"Bakit ako pa ang mag-aasikaso niyon, Ms. Cecilia? Nariyan naman ang manager. I trust him to choose the band and solo singer of our resto-bar," hindi maitago ang iritasyon sa boses niya.

Mukhang nahintakutan ang sekretarya niya dahil halata nito na nainis siya, sa dahilang hindi nito kailanman maiintindihan. "Pero Sir, iyon ho ang bilin ng daddy ninyo. K-kailangan daw ho kayo roon dahil magaling kayo sa musika. I-I'm sorry Sir Luke, but I'm just taking orders."

Napabuga ng hangin si Luke at sinuklay ng daliri ang buhok niya. Iyon na nga ang problema. Ayaw niyang makinig sa mga banda, mamili at manood sa mga ito. It only reminds him of his old self. The loud sound of music, the cheering crowd, and his best friend supporting him.

Kai.. Oh no, not today, Luke. You've been through a lot of stress already.

He let out a heavy sigh and look at his secretary. Wala na siyang magagawa. Kailangan na talaga nila ng bandang tutugtog sa kanilang restaurant bar.

Just tonight, Luke. You can do this, this words kept chanting in his head.

"Fine. Aakyat na ko sa room ko. Magkita na lang tayo sa resto bar mamaya."

Tumango ang sekretarya at magalang na nagpaalam sa kanya. He walked through the elevator and went up straight to his hotel room. Isang buwan pa siyang mananatili rito upang masiguro ang success ng opening ng Herms Hotel.

 Nang makarating ng kanyang suite ay agad siyang humiga at pinilit na munang magpahinga. He closed his eyes. Tonight, he will going to face his fear.. Fear of remembering Kairie. Pumitik ang sentido niya, ngunit hindi niya iyon pinansin, Mas iniinda niya ang pamilyar na sakit na nararamdaman ngayon ng puso niya..

        

         "IS everything set?"

Mabilis na tumango ang sekretarya at manager ng resto bar sa tanong na iyon ni Luke. Sakto alas-ocho na ng gabi at nakahanda na ang mini stage sa gitna ng bar. Maganda at nakahanda na rin iyon para sa nalalapit na pagbubukas ng hotel nila. Ang tanging kulang na lamang talaga ay ang bandang tutugtog doon ng regular.

Pinanatili niyang blangko ang ekspresyon ng mukha niya kahit na ang totoo'y kinakabahan siya. Parang siya pa ang mag-o-audition, hindi ang mga banda. Hindi pa talaga handa ang puso niya, ngunit paulit-ulit niyang pinaalala sa sariling kaya niya ito. Just for tonight.

May tatlong upuan na nakapuwesto sa harap ng stage at doon siya uupo kasama ng restaurant manager na si Rusty, at ang secretary niya na si Cecilia. Nakaayos na rin ang mic at iba pang gamit para sa pagtugtog ng mga sasaling banda.

Huminga muna siya ng malalim bago umupo sa gitna ng dalawa pang judges. Agad inabot ng sekretarya niya ang isang lapis at white long folder na naglalalaman ng identification ng mga sasaling banda.

"Let's start this," kalmado ng utos niya.

Sumenyas na si Rusty at agad ng inumpisahan ang audition. Unang lumabas ang apat na lalaki na mukhang mga rakista dahil sa mahahabang buhok ng mga ito at mga suot na band shirts. Nagpakilala ang mga ito bilang ang Knives Band.

Nagsimula ng tumugtog ang mga ito ng maingay na musika. He clenched his fist when the guitar started to make its rhythm. Makalipas pa lamang ang limang minuto ay itinaas na niya ang kanyang kanang kamay. Agad namang nagsitigil ang mga ito sa pagtugtog.

"Next band please," he said coldly.

Laglag ang mga balikat na bumaba ng stage ang unang bandang sumubok. Hindi niya gusto ang mga ito. Para kasing kumakanta lamang ang mga ito upang makapasok sa hotel, hindi dahil mahal talaga nito ang musika at para mag-entertain ng mga tao. He can't believe he still know how to be a real musician. The real ones always play from the heart. Ang buong akala niya ay nakalimutan niya na iyon. Well, it is still in his blood. But it still hurts to see bands like them because it reminds him happy memories he knew he won't ever experience again.

Umakyat na ang sumunod na banda. Tulad ng nauna, hindi rin niya naramdaman ang emosyon ng musika. Lumipas ang mga oras at pito na ang natapos ngunit wala pa rin siyang napipili. He just can't find that music that can somehow calm his heart. Kanina pa kasi nagsisikip ang dibdib niya tuwing nakakakita siya ng mga banda. He missed his bandmates, the stage, his guitar, and of course, Kairielyn.

"Sir, last band na ho ang tutugtog," untag ni Rusty sa kanya.

Kumurap siya at wala sa loob na tumango. Tila nawalan na rin siya ng pag-asa na mahahanap niya ang gusto niyang makita sa bandang tutugtog sa resto-bar ng Herms Hotel. Ni hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang application form ng huling banda sa hawak niyang folder. Kahit ng magsalita na ang bokalista ng banda ay hindi siya nag-angat ng tingin.

"Good evening. We are the Almighty Band."

Tila nag-echo sa tainga niya ang boses na iyon. The vocalist of the last band is a woman, and her voice was surprisingly familiar.

Eksaktong nag-angat siya ng tingin ay nagsimula ng tumugtog ang mga ito.

"Look into my eyes – you will see.. What you mean to me. Search your heart, search your soul. And when you find me there you'll search no more.."


He cannot believe what his eyes are seeing now. Right there singing in the stage strumming an acoustic guitar was the woman he has been searching for. Tila tumigil ang buong mundo sa pag-ikot at wala siyang ibang marinig kundi ang malaanghel na boses nito. He swallowed so hard because his throat is starting to ache because he's trying to prevent crying. God, she's here now.. Mahirap mang paniwalaan ngunit narito na ito, sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Hindi siya maaring dayain ng paningin niya dahil kahit kailan ay hindi niya nakalimutan ang pigura nito at ang boses nito. He knew everything about her..

"Don't tell me it's not worth tryin' for. You can't tell me it's not worth dyin' for. You know it's true.. Everything I do, I do it for you."

Hindi niya na napigilang sambitin ang pangalan ng babaing tumutugtog kasama ang mga kabanda nito. He misses her so damn much he couldn't control his emotions now.

"Kairie.."

My Lost and Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon