Chapter 2 (Where it all started..)

25 0 0
                                    

"Wow! Kotseng nagiging robot! Ang galing!"

Manghang-mangha si Lukass sa laruang kotse na ngayo'y nagta-transform sa robot. Mula sa paglalaro sa playground na iyon ng subdivision nila ay nag-angat ng tingin ang batang lalaki na may-ari ng laruan. Nakasuot ito ng puting t-shirt at pajama. May suot din itong cap sa ulo. Nagulat si Lukass ng makita ang mukha nito. Hindi ito isang lalaki! She's a girl. A sad, crying girl. Umiiyak ang batang babae habang naglalaro ng laruang kotse. Madumi na rin ang suot nito. Ang akala talaga niya ay lalaki ito dahil nakasuot ito ng cap, pero mukhang itinago lang nito ang buhok nito. Hindi niya alam kung mahaba iyon o maikli.

"Go away!," masungit na sabi ng bata sa kanya. Iwinasiwas pa nito sa taas ang kamay para paalisin siya.

Imbes na umalis ay nag-squat din siya paupo. "Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto ang toy mo? Kung gusto mo, maglaro tayo. Para ma-enjoy mo. Mas masarap pag may kalaro diba?," nakangiting sabi niya.

Sumimangot ito lalo. "I said go away."

Ngumiti siyang muli. Ang sabi ng daddy niya, kapag may nakita siyang taong nalulungkot, dapat lang na gumawa siya ng paraan para makita ang ngiti nito.

"I'm Lukass. Nine years old na ko at bagong lipat kami dito sa subdivision ninyo. How about you? What's your name?"

"I knew it. You're talking to me because you don't know me," malungkot na sabi lang ng babae.

Nagusot ang mukha niya. "What?"

"I'm Kairielyn, six, and I don't have any friends in this subdivision because they say I'm a sinner's daughter. Little boys and girls hate me. Now, do you stil want to play with me?," umiiyak na tanong nito at tiningnan siya.

Nagulat siya hindi lamang sa sinabi nito kundi pati na rin sa pait na nakapaloob sa mga mata at boses nito. Her eyes are so sad but its still so beautiful. Walang pag-aalinlangang tumango siya. Right then he promised himself he would want to see this little girl's eyes glow and her lips make a smile.

Kairielyn's little lips slightly parted when she saw him nod and smile. Tila nagkaroon din ng buhay ang mga mata nito. Halata sa mukha nito ang gulat ng dahil lang sa desisyon niyang makipagkaibigan dito.

"W-why?," she asks quietly.

He shrugs. "I don't know. I just.. want to be the first person to see your eyes glow and your lips smile. I want to see you happy by making you my friend."

Hindi ito sumagot at pinunasan lang ang mga luha nito. But eventually she said, "Kung kilala mo lang talaga ako, sigurado lalayuan mo rin ako."

"Kung kilala mo rin lang talaga ako, malalaman mong hindi ako katulad ng iba. Dad said where you came from doesn't define who you are, so don't let it destroy you and make you look weak."

Manghang napatingin ito sa kanya muli. "Are you really nine years old? I can't fully understand what you said, but I think you're right."

Natawa siya at napakamot sa kanyang ilong. "Sinabi lang din yun sa akin ni dad e."

Unti-unting sumilay ang munting ngiti sa mga labi ni Kairielyn at ang pagkabuhay ng malungkot nitong mata. Hindi niya alam kung bakit tila bumilis ang tibok ng batang puso niya ng makita ang ngiti nito. Kairielyn is a beautiful, little girl. "One point in favor of me," aniya.

"What?," naguguluhang tanong nito.

Itinuro niya ito. "You smiled. One point for me. So, can I be your friend now?"

My Lost and Found LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon