01 - Kairosclerosis
Chastity's POV:
[Play the Media: Bamboo - Tatsulok]
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Mariing nakakuyom ang mga kamay, mga alaala ng kahapon ay mistulang pangitain sa hinaharap. Bawat liriko't bagting ng musika'y unti-unti akong binabalik sa nakaraan. Saktong-sakto sa kung ano ang buhay na noon ay mayro'n ako.
Muli't muling ipinahahangad ang kahapong—mali. Maling hangarin pa na bumalik sa kahapon na tila halos pigilan ko ang kinabukasan kung magkakagayon. Maling hangarin pa na danasin muli ang mga pasakit na dala ng kahapon. Maling gustuhin pa na maulit iyon ngunit patuloy na nauulit at mauulit.
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Masakit. Mapait. Nakagagalit. Na sa bawat bwelta ng mga liriko hatid sa aki'y hindi lamang mga alaala kung hindi mga tanong sa kung paanong naisulat ang piyesa o kung piyesa pa nga bang maitatawag ang tila kwento na ng buhay ko.
Nakapaninibugho. Nakasusuklam. Nakapopoot. Tila ba umaalagaab na apoy ang damdamin ko sa galit. Galit na hindi ko man lamang mailabas. Kinikimkim na lamang, tinatago, nagpapaalila sa dilim.
Binabagabag sa araw-araw ang isipan ng mga alaala't katanungang kung ituring ko'y libingan na. Mga alaala, katanungan at ang mga emosyong tingin ko'y papatay sa akin. Nilulunod. Pinahihirapan. Tinatanggalan ng karapatang mabuhay. Nakagagalit.
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
Mariin kong ipinikit ang mga mata't inaalalang muli ang nakaraan na nag-uudyok para patuloy na hanapin ang mga kasagutan sa mga naglalarong tanong sa aking isipan. Mga tanong na minsang nabigyan na ng kasagutan ngunit hindi ko tinatanggap at hinding-hindi ko tatanggapin dahil hindi 'yon ang katarungang hinihingi ko.
Nang mapansing halos patirik na ang araw, pinatay ko na ang katabing isteryo kahit na wala pa talaga akong sapat na tulog. Pasado alas singko na lang din naman ng umaga at kanina ko pa rin naman sinusubukag magpaantok ngunit hindi talaga ako dinalaw ng antok. Hindi rin naman tulog ang kailangan ko, hustisya.
Paglabas ko ng kwarto, bumungad sa akin kaagad ang kusina kung nasaan si Kim. Tulad noong mga nakalipas na araw puspusan na naman ang pagsusunog nito ng kilay.
"Good morning," masiglang bati nito nang mapansin ako. Sinuklian ko naman ito nang matipid na ngiti. "Natulog ka ba?" Sunod nitong tanong.
Sasagutin ko palang sana ito nang maunahan ulit ako nitong magsalita. "Ay teka joke, 'wag mo na palang sagutin. Halata naman sa eyebags mo." Bawi nito nang mabilis sabay hagikgik.
"Kagigising mo lang?" Pag-iiba ko ng usapan at dumeretso sa kusina.
"Magkakape ka?" Tanong nito at hindi pinansin ang tanong ko. Sumunod pala ito ng tingin. Tinanguan ko naman ito bilang sagot.
"Huh? E hindi ka pa natutulog ah." Kunot-noong sabi nito na nakapagpatingin sa tasa kong nalagyan ko na ng kape.
"Kim, you know that caffeine's effect on me can—"
"...make you feel sleepy rather than awake, right." Putol nito't nirolyahan pa ako ng mata. Giving her last word an emphasis that made me let out a simper.
Kim really knows me that well but... not that excellent enough.
After a minute or two, as I finished making my coffee, I went in front of her. Doing nothing but watch her study, I found myself keeping an eye on her every action. She's indeed so eager to study in advance and I think, if I am not mistaken, she's been doing it for a week now and that is nonstop.
BINABASA MO ANG
She's Such A Beguiler
ActionTFOL SERIES 2 Chastity cannot abide the idea of being indebted to someone. Starting to be troubled by the fact that she is concurrently getting one after another from her psychology professor compels her to breach the border of her own meticulously...