Kabanata 5

3 2 0
                                    


A/N: Sorry for long update and thank you for reading my story! stay safe sunlights!

Mula ng malaman ni Francheska tungkol sa libro, marami ng kakaibang nangyari sa kanya mula sa panag-inip hanggang sa kanyang pag-aaral ang tahimik na mundo ng dalaga mawawala kasabay ng pag-alam sa katotohanan. Hindi alam ni Rosenda Montecillio ang nakaraan ng pamilya ni Gregorio ang alam lamang nito ay isang mayaman na angkan ang Montecillio ngunit katulad ng iba 'pang makapangyarihang pamilya ay may'roon 'rin sekreto ang mga Montecillio. Kilala sila bilang business power of asia dahil sa marami ni'tong negosyo mula sa lokal at internasyonal.

Wilfredo Acvecio Montecillio. Father of business center, ama ni Gregorio ay isa sa mga tanyag na negosyante sa buong mundo mula noong bago at matapos ang ikalawang pandaigdigang laban. Nagsimula ang negosyo nila sa pagkukumpuni ng mga relos noon hang'gang nagkaroon ng sapat na kita ay nagtayo siya ng kanyang sariling tindahan dahil sa bangketa lamang sila gumagawa lumago ang pagawaan at tindahan ni Wilfredo ngunit isang sakuna ang dinanas nila sinakop sila ng mga hapones ang kanyang tindahan ay kasama sa nabomba na gusali habang nasa loob sila ng University of Santo Thomas kasama ang iba 'pang nasawi o kaya'y nakaligtas.

Habang tumatagal ang laban ng amerikano at Hapon kasama ang hukbo ng pilipinas ganoon rin ang sitwasyon sa unibesidad maraming nagutom at nagkasakit, kakulangan sa serbisyong medikal at pagkain ang naging sanhi ng pagkamatay ng iba naroon. Isang gabi habang naglalakad si Wilfredo upang magpalipas ng antok at bantayan ang mga bata at matatanda na kasama nila ay nakasalubong niya ang isa sa mga bantay guwardiya sa kampo.

"What are you doing here?" dahil kahit papaano ay may alam si Wilfredo sa lenggwaheng ingles.

"I'm just walking arounded"

"Go back it's dangerous here!" sigaw ng guwardiya.

"Okay."

ngunit habang nag uusap ang dalawa mula sa silid-aklatan ng unibersidad ay may dalawang sugatan.

"Heneral paano natin malalabanan ang Sociedad malvada?"

"Hindi pa ito ang tamang oras kaylangan nating mahanap ang  reloj hechicero bago pa nila mabago ang panahon at ang historya ng espanya at pilipinas." nakarinig sila ng tunog ng pagbukas ng pinto.

"Sino yan? hindi kayo pwede dito lumabas na kayo!"

"Nasa panahon tayo ng pagsakop ng hapon sa pilipinas tama ba kaylangan nating umakto at magpanggap na sundalo at tumakas mula rito." isang mahinang bulong ng heneral.

"Papaano ang mga tao rito kaylangan natin silang iligtas!" bulong na tugon ng kanyang kasama.

"Ito ang kaakibat ng libro hinding hindi mo mababago ang kapalaran at mangyayari narito tayo upang kunin ang relo at bumalik sa panahon natin!" bulong muli ng heneral.

Natahimik ang kasama niya nawala narin ang taong nasa loob rin ng aklatan.

"Naiintindihan mo ba ako Miguel? mahirap kalabanin ang oras kaya'y humayo kana at hahanapin na natin ang relo." kalmadong saad ni Heneral Flavio.

"Sa pagkakaalam ko ay nasa pamilya Montecillio ang relos nakatago ito sa Vigan."

At nagsimula ng lumakad ang dalawa.

Habang si Wilfredo ay pabalik nalala niya ang desisyon na kaylanman ay kanyang pagsisihan habang buhay. Isang kasalanan na dapat itago at ibaon sa limot ngunit ang mga ito ay patuloy paring tinatakot ang binata. Nasaksihan niya ang pagkamatay ng kanyang ama at ina sa kamay ng mga di kilalang lalaki nakasuot ito ng itim at nakamaskarang puti may hawak na baril at handang tapusin ang Montecillio. Ngunit nakaligtas siya sa trahedyang ito gamit ang isang relo na ibinigay ng kanyang mga magulang sa oras na masusubukan ang kakayahan niya at krimen at dadalhin siya nito sa lugar na kanyang nais at napunta siya sa maynila.

Reply 1887Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon