A/N: sorry long update sa mga nagbabasa at patuloy na pagbabasa ng story nato marahil ay nagugulumihan kayo sa takbo ng istorya 14 palang po ako kaya di oo talaga ganon ka galing enjoy reading.
Maingay ang palengke at mga tindahan nakikita niya rina ang mga kotse doon. Malayo sa buhay niya sa probinsiya, na simple ngunit maayos na pamumuhay habang naglalakad at namamangha sa mga maliliit na gusali at kasuotan ng mga kalalakihan at kababaihan. ang mga amerikanong naglalakad malabit sa manila bay(hindi ko alam yung orihinal na name). Ang mga masasayang tao nakikita niya ang mge batang nagtatakbuhan sa parke at kumakain ng sorbetes. Dahil sa pagkamangha ng binata ay di' niya namalayan na may daraan sa harap niya.
"Aray!"
Nagulat ang binata sa babaeng nabangga niya at dito magsisimula ang ipinagbabawal na pagiibigan.—Welfredo—
Nakamamangha ang buhay dito sa siyudad hindi ko sukat akalain na ganito ang kanilang pamumuhay simula ng bata pa ako tanging simbahan at paaralan lamang ang nakikita kong gusali.
"Aray!"
Isang magandang dalagita ang aking nakita at... nakaupo sa sahig—sa sahig?! agad kong inalalayan ang dalaga sa pag tayo.
"pasensiya na binibini sadyang namamangha lamang ako dito sa maynila at di ko namawalayan ang iyong presensensiya." mahabang paumanhin ng binata at nakatitig sa magandang mata ng dalaga na tila ba'y tinatawag siya nito.
"Sa susunod ginoo ay mag-ingat ka upang di kana maka abala, magandang umaga." pagkatapos ng maikling pahayag ay umalis na rin ito sayang at di ko man lang natanong ang kanyang pangalan. Hindi alintana ng binata na kanina pa siya tinitignan ng mga lalaking nakaputing kasuotan at itim na maskara.
end of pov.
"Siya ba ang sinasabi 'mong may-ari ng reloj hechicero? Wala sa kanyang panlabas na anyo na kayang pangalagaan ang relo, kung gayoon sa pagsapit ng hating gabi ay kitilin niyo na at kunin ang relos." umalis rin ang lalaki at nagtungo sa isang arko mayroon siyang pinindot sa kanyang relos at sa pagtapak niya sa arko ay nasa panahon na siya ng kastila. Pati ang kanyang kasuotan ay nagbago rin damit ito ng mga principalia ang mataas na uri ng tao sa panahon ng espanol. Nagtungo siya sa isa sa mga bahay ng principalia si Señor Rosario ang may-ari ng malaking sakahan at limang hacienda.
"Magandang Umaga ginoo, ang plano na pabagsakin ang mga montecillo nakahanda na ang iba pang plano kung hindi ito magtatagumpay."
ani ng misteryosong ginoo. Ngunit lingid sa kanyang maamong at tapat na pananalita ay isang kasakiman ang bumabalot sa puso't isip nito. Ang sakim at halang ang bituka. Raquel Devega.
At sa oras na magtagumpay ang plano, ay agad kong babaguhin ang kasaysayan at maghihiganti sa bansang minaliit ang Maharlika.
Sa kabilang banda naman ay nakatulala sa kawalan si Welfred ang akala niyang masaya at mapag bigay na maynila ay kaibahan sa nakikita niya. Pera at kapangyarihan. kung wala ka niyan ay hindi ka kikilalanin isa ka lamang hamak na nilalang sa kanilang paningin. Ang mas nakakalungkot pa rito ay marami siyang nakikitang pulubi at hikaos sa buhay hindi man marami ay nalulungkot siya. Sa sariling bansa dayuhan ang may kapangyarihan at ang pilipino ang alipin nito. Commonwealth ayon sa kanyang narinig ay isa itong gobyerno na pinapatakbo ng amerikano malaya man ngunit hawak parin nito anh pilipinas. Sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya namalayn na may nakatayo sa kanyang harapan at may dala itong baril nakatutok sa ulo niya alam niya sa sarili niya na wala na itong takas sa kanya kaya't pumikit na lamang ito at sinabing Ultimatum. pagka dikat niya ay nasa ibang panahon na siya siguro panaginip lamang ito sa isip niya.
At tuluyan na siyang bumagsak sa gitna ng daan.
BINABASA MO ANG
Reply 1887
General FictionLove conquer, Love sacrifice. time hinders, and space do. Will the universe favor their bond? Or sun will never shine at their hearts?