Kabanata 1
"Ngunit Ginoo kung ipagpapatuloy natin ang laban maaring mawasak at masira ang depensa ng España" sino to España? ano bang nangyayari?
"Ipagpatuloy natin ang laban maari ay huwag mong ipaalam sa iba ang ating plano intièndo?"
"Masusunod Heneral ngunit may isang tanong lamang ako, totoo ba ang agam agam na ang itinakda ay paparating na?"
"Oo, at malapit na niyang matuklasan ang totoong historya."
"Maraming salamat Heneral Santiago."
---------------------------------
Nagising si Francheska sa panaginip nya tila ba ito ay totoo. Alas tres pa lamang ng madaling araw ay bumangon na ito at gumayak dahil ngayon ang field trip nila at isa sa mga pinaka ayaw niyang lugar ang Intramuros.
Nakatingin sya sa salamin upang i-proseso ang napaginipan nya.Inaayos nya ang kanyang buhok na hanggang sa balikat nya lamang, nag lagay din sya ng lip balm natural na ang kulay ng kanyang labi. Matapos ang pag-aayos ay nag luto na siya na kanyang babaunin sa fieldtrip.
Nung una ay hindi nya talaga gusto ang sumama sa fieldtrip mas nanaisin nya lamang na mag laro ng online games kesa mag tungo sa Intramuros.Sumama lang siya dahil bagsak sya sa history class nila binalaan sya ng kanyang Prof. na ibagbagsak sya at ito na lamang ang huling paraan upang maipasa sya nito.
Nakahanda na ang lahat ng pagkain at gamit nya ng lumabas sya ng bahay at pumunta sa place ng call time nila.Habang naglalakad sya ay may nakita syang misteryosong mama napaka kapal ng damit nito,ang balat ay parang katulad lang ng pinoy, at ang mukha ay parang isang istatwa na nilikha.
Narinig nya itong may kausap sa di sinasadyang sitwasyon ay narinig nya ito.
"Masusunod po Heneral Santiago". Natameme sya at inisip kung sino at saan nya narinig ang pangalan na iyon. Ibang klase din dahil heneral ito pero bakit ganon ang suot nya?Hindi na lang pinakialaman nagpatuloy na lamang sya sa paglalakad. Nang malapit na sya ay nakalimutan nya ang Id nya at waiver sa pagmamadali. Dagling ay bumalik sya sa bahay nila halos mawalan na nang hangin si Francheska sa pagmamadali ang balat nya na katamtaman lamang ang kulay ay pawis na pawis.
Nasa pinto na sya ng kanilang bahay ng parang may kakaiba dito. Sinuri nya ito ng mabuti tinulak nya ang pinto nagulat sya dahil sa pagkakaalam nya ay sinarado nya ito bago umalis may nakita syang mama kaya natakot sya.
Nagulat sya ng biglang tumigil ang oras at ang mama ay nag-iwan ng sulat. Pagkatapos ay nawala ito ng parang bula.
'te necesitamos jovencita' basa nya sa sulat piraso lamang iyon ng papel ngunit natakot sya. kinuha nya ito at bumalik na sa bus nila.
BINABASA MO ANG
Reply 1887
General FictionLove conquer, Love sacrifice. time hinders, and space do. Will the universe favor their bond? Or sun will never shine at their hearts?