CHAPTER 1.5
"ANG PAGKIKITA"Isang pinagkakatiwalaang secretarya ng mga Cervantes ay di umano'y nahuling nakikipag sanib sa ibang kumpanya. Ang malala pa dito ay kalaban pa ito ng mga Cervantes. Dahil sa pangyayaring Ito ay malaking halaga ng pera ang nawala sa mga Cervantes. Ang ibang mga nag invest sa kanilang company ay umayaw na at ang iba ay nagrereklamo na.
Ang sabi pa ng ibang shareholders ay magsasampa sila ng kaso kapag hindi ibinalik ng company ng mga Cervantes ang kanilang ibinigay na pera. Ngunit ayon sa mga Macon ay handa silang tumulong sa problema ngayon ng mga Cervantes.
Ang mga Cervantes at Macon's Company ay isa sa mga mayayaman at pinaka kilalang business sa buong Asya.
"Sino ba yung mga Cervantes pa?" tanong ko pa. Ni hindi ko nga kilala ang mga iyon eh.
"Isa 'yon sa mga kaibigan ko. Kilala mo ba si Tita mo Janelle Cervantes?"
"Si Tita Janelle!? Eh? Cervantes pala ang apelyedo nila."
"Nandito na po tayo." Kaagad akong kinabhan dahil feeling ko mapapahiya ako ngayon. Sana nalang ay hindi ako mapansin o kaya tanungin. Meron kase akong 1% share sa mga Cervantes. Pero ang totoo ay kay Papa galing 'yon.
"Teka! Ibigsabihin.... Yung anak nilang lalaking..."
"Oo. Makikita mo na ulit siya ngayon." mabilis na sagot ni Papa. Hindi ko alam pero lalo pa tuloy akong kinabhan.
"Pa! Una na kayo. CR lang muna ako!" mabilis kong pag papaalam sa kaniya.
"HAHAHAHAHA dalaga na talaga anak ko." Rinig ko pang sigaw niya. Mabuti nalang at naka rubber shoes ako ngayon. Kumportable na kumportable na ako para tumakbo.
Kahit ata pag-akyat ng bundok makakaya ko ngayon eh.
Wala nga pala akong dalang make-up tapos pulbo lang ang nilagay ko sa mukha ko! Shet!
"Anong oras na ba? Baka magsimula na ang meeting?" saad ng katabi kong babae. Sobrang kapal ng make-up niya. Urgh? Seryoso ba sya? Magpapakita siya sa meeting ng ganyan ang ayos niya?
"Wag kayong mag-alala siguradong late na naman ang nag-iisang poging apo ni Don Cervantes."
"Anong nag-iisa? Andami niya kayang apo pero yung isa lang talaga ang pinaka mapogi."
"Pogi ba? Nakita niyo na ba?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumali sa usapan nila. Ang gusto ko lang lang naman ay magkaroon ng make-up.
"O-oo, diba.. ikaw yung anak ni Don Macon?" mukhang takot na takot na tanong niya sakin. Tumango nalang ako sabay ngiti. Buti naman at may nakakakilala sakin?
"Pwede bang pahiram ng make-up? Naiwan ko lang yung akin eh."
"A-ahh HAHAHAHA sige po sige po hehehehe pasensya kana ito lang kase ang afford ko eh." aniya sabay labas sa mga make-up niya. Shit, wala ba siya yung lagi kong ginagamit?
Wala na akong magawa kun'di pakisamahan sila habang naglagay ako ng light make-up. Mukhang tao na ba ulit ako?
"Bakit ang init dito?" tanong ko pa.
"Mainit ba? Ang lamig po yung Miss Athena."
"Ahh. Baka siguro dahil tumakbo ako kanina. Here oh, thanks ah? Hinding Hindi kita makakalimutan. Kapag nakita ulit kita sure akong mabibigyan kita ng marami pa diyan sa dala mo." saad ko sabay abot sa kaniya Ng mga pinahiram niya sakin.
YOU ARE READING
Ang Strikto Kong Kuya
JugendliteraturAndrew Jaden Cervantes, a serious man and sometimes a young mind. He is a kind person. He likes motorcycles. He likes to insult but has a good heart. He is very handsome and is admired almost all over campus. Athena Irish Rozel Mae Macon, is a wealt...