CHAPTER 1
"ANG PAGKIKITA""Good Morning! Ma'am!"
"Okay" walang galang bati pabalik ng babaeng pumasok nalang ng basta. Hindi na sya nag-abalang tignan pabalik ang mga taong tumitingin sa kanya. Nakaka distract ng mga mata ang kanyang suot dahil nakapambahay lamang sya.
"Sure ka bang may bibilhin 'yan?" bulong ng isang crew. Ngunit hindi nila alam na rinig na rinig 'yon ng babaeng wala namang pake sa kanila.
Iritang umikot ang babae sa bandang walang tao dahil naiilang na sya dahil lahat ng tao sa department store ay nakatingin sa kaniya. May iilang taong bumubulong na nagpaparinig na sadya. Bumulong nalang ang babae ng "Hayss... Hindi ba nila ako kilala?"
"Sino ba siya?" tanong pa ng isang crew. Mukhang narinig ng ilang nagtatrabaho don ang sinabi ng babae. Umikot pa ng umikot ang babae hanggang sa makarating na sa pinaka dulo kaya't umikot siya pabalik hanggang sa maikutan niya na ang mga babasaging mga plato. Ibigsabihin ay mali ang naikutan niya.
"Bantayan niyo nalang at may mga guwardiya ng nakabantay sa labas. Just in Case." mukhang proud pang saad ng babaeng bumungad sa kaniya kani-kanilang sa may entrance.
"Medyo masakit huh?" dagdag pang bulong ng babae. Napatigil siya ng biglang maalala niya na ngayon kung bakit siya nagpunta ng Mall. Malapit na siya sa labasan ng Department Store ay nakita niya na kaagad ang 'sang damakmak ng mga guard sa labas.
Binati naman kaagad ng mga guard ang babaeng nakapambahay gamit ang pagtango ng mabagal. Napangisi ang babaeng nakapambahay dahil may iilang nakakilala sa kaniya. Agad namang nagtanong ang mga staff sa mga guard at laking gulat ng lahat dahil sa isinagot ng mga Ito sa kanila. Ngayon ay nangangamba na silang baka masibak sa kanilang trabaho. Ayaw nilang mawala ang trabaho nilang ito dahil bawat ikalawang buwan na lumipas ay malaki ang kanilang natatanggap na Bonus.
"Hindi naman kase kaagad nagpakilala eh. At saka bakit ganyan ang itsura niya?" Asik nung babaeng maldita. Tumakbo papalabas ang babaeng nakapambahay at dumeretso sa bilihan ng mga cellphone.
"Ano pong hanap natin madam?" Masiglang bati ng lalaking nagtatrabaho don at biglang sumimangot ng hindi siya pansinin ng babaeng binati niya. Kahit nakapambahay lamang ang babae ay hindi iyon problema para kaawaan siya ng karamihan dahil sa gandang mukhang dala-dala niya kahit saan.
"Meron ba kayong bagong brand ng phone?" mataray na tanong ng babaeng nakapambahay. Halos malaglag ang mga panga ng mga nakarinig non dahil sa sinabi ng babae. Hindi sila makapaniwala na iyon ang unang itatanong ng babae. Alam nilang puro Gadgets ang itinitinda nila pero sa isang katulad ng Customer nila na kakapasok lamang at mukhang baliw dahil sa suot at walang suklay na buhok niya ngayon ay hindi mo mapagkakamalan na mayaman.
Agad silang natauhan at Itinuro kaagad sa babae ang hinahanap nito. Ngunit iba parin ang hanap niya. Ayaw niya ng Touch screen kundi ang di-pindot na Cellphone.
"Ganyann lamang po ang mayroon kami. Ka-kase wala na pong masyadong naghahanap niyan dito." sagot ng lalaking bumungad sa kaniya kanina pa.
"Wala na bang iba?" hanap pa ng babae. Ayaw nya ng sobrang liit na phone. Gusto niya ay yung maganda at kumportable kapag hahawakan.
"Ayan nalang po ang natitirang ganyan dito. Kung gusto niyo murahan pa namin----"
Napatigil ang babaeng staff dahil sa biglang pagtaas ng isang kamay ng babae, hudyat na ayaw niya ng ituloy ang sasabihin nito sa kaniya.
YOU ARE READING
Ang Strikto Kong Kuya
Teen FictionAndrew Jaden Cervantes, a serious man and sometimes a young mind. He is a kind person. He likes motorcycles. He likes to insult but has a good heart. He is very handsome and is admired almost all over campus. Athena Irish Rozel Mae Macon, is a wealt...