CHAPTER 3.5

39 6 1
                                    

Chapter 3.5 - Threats

"Hindi." Biglang binuhat ng lalaki ang babae at inutusan din niya kaming lumabas na.

Sino ba 'tong lalaking sumulpot?

"Hindi kitang kayang iwan dito." Naiiyak na wika ng lalaki.

"Kailangan mong iligtas muna yung... Target nila."

"Pero--"

"Isipin mo, habang nakikipaglaban ka mamaya, isipin mong bigla akong susulpot at sasamahan kang makipaglaban." Ani ng babae.

Napasobra ata ang sipa ko kanina sa kaniya dahilan para hindi siya makalakad?

Malayo palang ang naglalakad ay naririnig ko na ang mga yabag ng sapatos.

"May taong paparating." Ani ko. Napatingin naman silang dalawa at tumawa ng mahina.

"Mukhang nandito na siya. Umuna na kita." Ani ng babae at biglang tumingin sa akin.

"Sige, hihintayin kita mamaya." Si Lalaki.

"I-isama mo 'yung babaeng 'yon. Sigurado akong makakatulong 'yon sa'yo." Nakaturong wika ni Haira.

Napaturo naman ako sa sarili ko.

"A-ako!?" Sigaw ko.

"Nandito na po ako." Wika ng sumulpot na lalaki. Nakauniporme siyang pang Junior High at naka Red din na Tie. Teka?!

Bigla akong tumayo at inilabas ang matulis kong kutsilyo.

"Sino kayo!?" Malakas na sigaw ko.

"Athena! Tama na!" Sigaw na naman ng mga kaibig ko at nilapitan ko.

"Huwag niyo akong hawakan ano ba!" Pigil ko sa kanila.

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa kamay ko at pagtingin ko ay 'yung lalaking kakarating lang.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko kung nasa ang kutsilyo at pinaikot ng saglit dahilan para mahulog ko ang kutsilyo.

Umalingawngaw ang tunog ng pagkahulog na 'yon.

"Sinong may sabing maaari mong ilabas nalang ng basta-basta ang iyong panglaban? Hindi mo maaari ipaalam sa iyong kalaban ang iyong kakayahan." Mabagal niyang sambit dahilan para pumasok sa utak ko ang lahat ng 'yon.

Napalunok nalang ako.

Lalo pa siyang lumapit sakin at inilapot ng todo ang mukha niya sa mukha ko.

"Binibini, hangga't maaari, iwasan mong hawakan ang mga matutulis na bagay dahil iyon pa ang dahilan ng pagkasira ng iyong magandang ngiti at hugis ng mga mata." Bulong niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya.

Parang nag slowmo nalang ang lahat.

Napapikit nalang ako ng Wala sa kadahilanan.

"Tsss, gusto mo bang ituloy ko? Aking Binibini?" Napamulat nalang ako at nasampal ko siya ng kusa.

Wala pang isang segundo ang ginawa ko 'yon ay tumawa na ang dalawang magkasintahan sa tabi.

"Tumatakbo ang oras. Bilisan niyo." Ani pa ng babae.

"Ikaw, sumama ka." Biglang utos sakin ng lalaking naka civilian.

"At bakit naman ako sasama?" Asik ko.

"Wag niyo pong kunin sa amin si Athena. Please lang po, wala po kaming kinalaman sa nangyayari. Baguhang studyante lang po kami dito." Ani Thalia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Strikto Kong KuyaWhere stories live. Discover now