CHAPTER 2
"Andrew Jaden"
"Bakit naman Pulis ang gusto mo paglaki?" tanong ng batang babae na medyo bata sa kaniya ng isang taon. Ang Batang babae ay nakapuyod at may hawak itong laruang sasakyan na kung saan nakasakay daw ang Criminal.
Nasa bahay sila ngayon ng Lalaki dahil kakatapos lamang ng Celebrasyon ng kaarawan ng Lolo ng Batang Babaeng na nasa anim na taong gulang pa lamang. Sobrang arte ng babae at ayon ang kinaiinisan ng Batang lalaking nasa Pitong taon pa lamang.
"Dahil gusto ko." Pamimilosopo ng Lalaki. Sumimangot naman ang Babae dahil sa sagot ng kalaro niya.
"Bakit nga kase... sabihin mo na." Pamimilit ng Babae.
"Dahil... gusto kong huliin ang dumukot sa Ate ko." malungkot na saad ng Bata. Hindi nakapagsalita ang Batang babae dahil hindi niya alam kung anong sasabihin sa kalaro niya. Hindi niya alam kung paano papaluwagin ang nararamdamang lungkot ng lalaki ngayon. Sa Ngayon ay alam na ng babae kung ano at bakit gustong maging pulis ng lalaki.
"Pero.. nandito na ngayon ang Ate mo diba?" Tanong pa ng Bata. Napilitang tumayo ang lalaki dahil patulo na ang luha niya at ayaw niyang makita iyon ng batang babaeng kalaro niya. Ang ayaw niya sa lahat ay ang kinaaawaan siya.
Nang tumayo ang Lalaki ay sumunod naman ang Babae hanggang sa makarating sila sa ikalawang lapag ng bahay nila at ngayon ay nasa harapan na sila ng pintuan. Sumilip ang dalawa sa babaeng may hawak ng manika. At duon lang naalala ng batang babae ang nangyari sa kapatid ng kalaro niya.
"Nandito nga... pero hindi naman kami kilala." Hindi na napigilan ng lalaki ang umiyak ng umiyak. Naiyak narin ang batang babae dahil umiyak din ang kalaro niya.
"Sino 'yan?? Bakit ba kayo umiiyak? May patay ba?"
"Wala po Ate."
Lumipas ang isang araw at balik skwela na kaagad sila. Nahihirapan ang Batang lalaking makita ang Ate niyang dati ay tuwing gigising siya ay boses na kaagad ng kaniyang ate ang maririnig pero ngayon ay nakatunganga lang sa kawalan ang Ate niya habang hawak ang Manika at nahihirapang lumunok tuwing susubuan siya ng kaniyang Yaya.
"Baon ko ma?"
"Nandiyan na sa Bag mo."
"Sinong magsusundo sakin?"
"Si Manong muna. Masakit pa ang paa ni Mama eh"
Wala ng nagawa ang bata kundi ang sumakay nalang sa sasakyan. Nang makasakay na siya ay dun niya lang nailabas ang kanina pa niyang iniipon na luha. Narinig ng Driver ang hagulgol niya kaya nanahimik nalamang ang Driver at hinayaan na lamang ang kamalditahan na ginagawa sa kaniya ng Bata.
Sabado na ngayon at nakikipaglaro na naman siya sa mga kaibigan niyang lalaki ng pulis-pulisan. Walong taon na siya at tuwing walang pasok ang tanging libangan niya lamang ay ang sasakyan na laruang pulis-pulisan.
"Hindi ka ba nagsasawa sa laruan na 'yan? Mag laro naman tayo sa labas oh" ani ng kalaro niya. Matamlay niyang tinignan ang kaibigan at ngumiti ng pilit.
"Edi kayo na lang maglaro. Bukas ang pintuan."
"Pero---" natigilan ang batang lalaking kaedad niya dahil umalis na kaagad ang kalaro niya. Pumunta ang batang lalaki sa kusina at duon nagmukmok.
"Bakit naman ako magsasawa sa pulis-pulisan eh ayon nga ang gusto ko. Kaibigan ko sila. Dapat naiintindihan nila ang mga gusto ko. Pinakain ko na nga sila ng pananghalian dito tapos lalayasan lang ako." Inis na wika ng Batang lalaki habang nagpapalaman ng Nutella sa tinapay.
YOU ARE READING
Ang Strikto Kong Kuya
Fiksi RemajaAndrew Jaden Cervantes, a serious man and sometimes a young mind. He is a kind person. He likes motorcycles. He likes to insult but has a good heart. He is very handsome and is admired almost all over campus. Athena Irish Rozel Mae Macon, is a wealt...