CHAPTER 3

33 5 0
                                    

Chapter 3: Threats

Athena Irish PoV

"MAM IRISH! BUMANGON NA PO KAYO AT HINAHANAP NA KAYO NG DADDY NIYO!"

Inis kong hinagis ang unan sa harapan ko dahilan para matumba ang baso na may tubig na nakalagay sa lamesa. Bakit ba ang bilis bilis gumalaw ng oras!? Tumayo na ako at pumunta sa C.R para mag-ayos ng sarili. Naligo narin ako ng saglit dahil hindi ko kinaya ang lamig ng tubig ngayon. Six PM na ng maayos ko na ang lahat-lahat. Hindi muna ako nagdala ng maraming gamit dahil Unang araw palang naman.

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad ang buong pamilya ko sa iisang lamesa kaso Wala si Ate Althea at Lolo. Ang arte arte kase ni Ate eh! Pwede namang dito nalang sa pinas tumira.

"Kanina ka pa hinihintay ni Papa! Lagot ka." Ayan agad ang bumungad sakin. Hindi ko siya sinagot at naghugas nalang ako Ng kamay para kumain. Alam na kapag ang pagkain ay puro prito! Masarap mag kamay!

Hinila ko ang upuan para makaupo ako. Mabuti nalang at maluwang-luwang ang blouse kong kulay puti na tinapalan ng tie na Grey sa gitna. So it means na baguhan palang ako.

Pati Tie merong basehan sa BlueRose International School. Kapag Yellow ang suot mo, ibigsabihin Elite ka tapos kapag Orange, Legend naman at ang pinaka mataas naman ay ang kulay Red, yun ang Mythic.

Kahit mayaman ka, HAHAHAHAHA hindi mo mabibili ang Color Red or Orange na Tie dahil pinag hihirapan talaga ng mga students 'yan. Dati na akong student diyan kaso lumipat ako sa states dahil Sumama ako sa Kapatid kong si Althea na may sarili ng pamilya ngayon.

Akala ko pa naman kapag nasa States ka ay makakamove on na ako pero mas lalong lumala dahil puro gwapo ang nakikita ko don! Move sa love life kase, yung parang bawal munang mag boyfriend atshutara!

"HalfDay lang kayo ngayon Irish?" papa said as he adjusted his collar and looked at me straight before he reached for the glass and stared at it.

"Opo," Magalang na sagot ko. Ops, I almost forgot, I have something to tell. "Yung binigay na Libro ni Lolo, Pa, hindi ko pa nabubuksan." wika ko at yumuko. I did a lot last week so I don't have time to open the book even though my grandfather gave it to me last month. Dad would still like to borrow my book about 100 Rules on how to run a Business and succeed it.

Bakit pa ba niya hinihiram sa akin 'yon kung successful naman ang pagpapatakbo niya sa kumpaniya namin?

"Why? Hindi ba't matagal na 'yon na sa'yo?" He gave me a serious tone. Ngumiti nalang ako dahil parang gusto niya ako lalon kabahan?

"Pa, Unang Araw ko sa School tapos 'to ibinungad mo sakin? Wala bang pabaon diyan ng Pera like... 'Here my Beloved Daughter, here is  your dagdag allowance. Kung gusto mo pa ng Pera ay dadagdagan ko pa, Basta ipasa mo lang Ang Grades mo. You're the future of OUR COMPANY!' like that Pa, Grrrr"

"¡Espero que estés bien hija! Jusmiyo por favor" sambit ni Dada. Ano na namang kaartehan nito sa dila at hindi ko maintindihan.

Tinuloy ko nalang ang pagsubo ng pagkain at nag hugas din ng kamay pagkatapos.

"Bye Pa, una na ako." Mabilis kong paalam.

"Ate, Phone mo nasa Lamesa ng Salas!" sigaw ni Azer, ang bunsong lalaki kong kapatid. Sobrang Cute niyang Bata at natatawa talaga ako kapag nagsusungit siya sa mga Babaeng lumalapit sa kaniya.

Kinuha ko na sa Lamesa ang bago kung Phone at tinago ko sa bag ang bagong  touch screen na phone. Ang alam ni Papa ay 'tong Nokia ang ginagamit ko pero Hindi niya alam na bumili ako ng Android gamit ang Pera ko. Ayaw ko ng iPhone. Daming arte kapag nakalimutan mo yung password eh itong Android, pwede mong ireset.

Ang Strikto Kong KuyaWhere stories live. Discover now