CHAPTER ELEVEN: Into the Queen's Palace

121 17 4
                                    

🎶You are my sunshine, my only sunshine..
You make me happy, when skies are grey
You'll never know dear how much I love you
Please don't take my sunshine away🎶

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm ng smartphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at agad pinatay ito. Tiningnan ko ang oras nito and it's seven in the morning. Bumangon ako at inilibot ang tingin ko at mukhang nasa walk-in closet ako nakatulog. Nagtaka ako kung bakit dito ako natulog sa walk-in closet. Inisip ko ang nangyari kagabi sa akin at naalala ko ito. My body felt pain and my left face transformed into a demon at sa sobrang sakit ay hinimatay ako. Agad kung tiningnan ang mukha ko sa salamin kung naroon pa din ang simbolo sa kaliwang mukha ko and to my surprise it's gone. Nagtaka ako kung bakit nangyari sa akin kagabi.

Am I gradually transforming into one? This can't be happening..

Naalala ko ngayong araw ay pupunta pala ako sa palasyo para makipag-usap kay Althea. Nagbihis agad ako into my usual outfit. At lumabas ng kwarto ko. Habang pababa na ako sa hagdan ay nakasalubong ko si Alfred, ang personal butler ni Alvea. Nilapitan ko siya.

"Alfred, pakisabi kay Alvea kapag gising na siya na may pinuntahan lang ako.. Babalik din ako kaagad.. Baka kasi mag-aalala siya sa akin." sabi ko sa kanya.

"Masusunod. Hindi ka ba mag-aalmusal?" tanong niya

"Hindi na.. Sige Alfred mauna na ako." sabi ko at dali-dali kong umalis

"Mag-ingat ka.." pahabol na sabi niya

Lumabas ako ng mansion at naglakad palabas ng gate. Inilabas ko ang smartphone ko for directions dahil hindi ko alam papunta sa palasyo ni Althea. Habang naglalakad ay napansin ko mga tindahan na nakahilera sa gilid ng daanan at kanilang mga iba't-ibang paninda.

Well I think this is what they call "central market" sa gitna ng bayan. Iba talaga sa dati kong mundo na makikita sa grocery store. Talk about another world.

Sabi ko habang tumitingin sa smartphone ko for directions papunta sa palasyo ng reyna. Habang nakatingin ako sa phone ko ay may nabangga akong isang batang lalaki at ito'y natumba.

"Aray! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" reklamo niya

"Pasensya ka na.. Nagmamadali kasi ako.. Nasaktan ka ba?" mahinahon kong sabi habang tinutulungan siya

Sinikway niya ang kamay ko pagpapakita na hindi siya gustong tulungan at tumayo siya nang mag-isa at pinakpak niya ang likod ng pantalon niya upang tanggalin Ang alikabok nito.

"Siyempre nasaktan ako! Kita mo naman diba? Natumba ako at narinig mo naman ang reklamo ko diba?" asik niya

Oo nga naman..

"Akala ko ba matalino kang tao? Porket nakakaraos kayo sa buhay grabe na kayo mang-alipusta sa katulad naming mahihirap." dagdag pa niya

Grabe naman ang batang 'to. Hindi ko naman sinasadya. Maka-reklamo ito wagas ah..

"Pasensya ka na talaga.. Sa susunod ay mag-iingat na ako para hindi na ako maka-bangga." sabi ko sa kanya

"Talaga lang!" sabi niya at dali-daling tumakbo papasok sa maliit na eskinita.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Habang ako'y naglalakad ay naramdaman ko ang paggalaw ng tiyan ko. Bigla akong nagutom.

Oo nga pala hindi pala ako nakapag-almusal.. Makabili nga ng pagkain.

Reincarnated in the World of Elves with My SmartphoneWhere stories live. Discover now