CHAPTER TEN: Prophecy and Revelation

98 14 0
                                    

Yuno POV

It was dark. Naglakad ako hindi ko alam kung saan papunta. I was searching but I don't know what I am searching for. Tinuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa nakita ko ang isang maliit na liwanag sa dulo. Pinuntahan ko ito at nang marating ito it was a cube with a light inside. Nang hawakan ko ito biglang lumiwanag ito na nakasisilaw na halos matakpan ko ang mga mata ko.

Nang iminulat ko ang mga mata ko, nagulat ako sa nakita ko. Ang bayan ng Elvengarde ay nasusunog ito. Maraming bahay at building ay tinupok ng apoy. Maraming tao ang nagtatakbuhan, ang iba sumisigaw humihingi ng tulong. It was devastating.. Ni hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa sitwasyong ito. Nakita ko din mga taong nakasuot na itim na pananamit marching toward to the castle.

At nakita ko din ang isang tao sa likod ng mga taong nakasuot na itim na pananamit. He was also wearing black clothes at nakalutang ito sa hangin. As I look closer, it was a shocking revelation. It was ME. Nakangisi ito as I look closer, nakita ko rin ang mapulang mata nito with the ancient sign on his left eye resembling of a demon. At bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib, humihingal ng malalim and before I knew it a strong magical energy suck me out from the that place and the next thing I knew someone was calling out my name. It was an overly familiar voice.

"Yuno! Yuno!" naluluhang tawag sa akin ni Alvea

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Alvea na sobrang nag-aalala ito.

"Alvea? Nasaan ako?" tanong ko sa kanya

"Nandito ka sa infirmary ng school." sagot niya

"Anong nangyari sa akin?" dagdag ko pa

"We we're about to investigate the explosion happened inside the school.. Pero hinimatay ka dahil sa tinamo mong sugat sa laban niyo ni Clark. That's why I brought you here." pagpapaliwanag ni Alvea

"Ganun ba? Ano na pala ang resulta ng imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa loob ng paaralan?" tanong ko pa kay Alvea

"Hindi ko pa alam, pero nagpadala na si Ate ng mga kawal at mga imbestigador sa paaralan ngayon. At mukhang postponed muna ang klase ng mga ilang araw dahil sa nagaganap ngayong imbestigasyon." sabi ni Alvea

I sigh in relief dahil sa narinig kong balita na nanggaling kay Alvea.

"Ok ka lang ba Yuno?" tanong ni Alvea

"I'm fine, I'm sorry for making you worry again." sabi ko sa kanya at ngumiti

"Nakita ko kasi kanina na grabe ang iyong pawis at panay ang likot ng iyong ulo na parang masama ang panaginip mo. At grabe din ang hawak ng kamay mo sa dibdib mo na nakakaramdam ka ng sobrang sakit." sabi ni Alvea

"Huwag mo nang alalahanin Alvea, I just had a terrible dream." sabi ko sa kanya

"Ok, ayos ka lang ba talaga? May masakit pa ba sa'yo?" tanong niya

"Ok na ako, may iniinda pang konting sakit sa dibdib ko. But it'll heal if I take a rest." sabi ko sa kanya

She sigh in relief.

"Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka. Nandito lang ako para bantayan ka." sabi ni Alvea and she gave a smile that in an instant I felt calmness within my whole body

"By the way, nakita ko to sa bulsa mo." sabi ni Alvea at ibinigay sa akin ang smartphone ko na ikinagulat ko.

"What is this?" tanong niya

"It's what you call a smartphone. It's a magical device that records of what you see." sabi ko sa kanya

Although wala akong intention na ipakita sa kanya to pero wala akong magagawa dahil nakita niya ito.

Reincarnated in the World of Elves with My SmartphoneWhere stories live. Discover now