CHAPTER EIGHT: Into The Magic School

108 15 2
                                    

Yuno POV

Sinamahan ko si Alvea sa dining hall para kumain ng almusal. Tahimik kaming dalawa habang kumakain ng almusal. Ni isa sa amin walang kumikibo. Naalala ko ang sinabi ni Alvea nung nasa physical training room kami.

"Huwag mo na kasing ulitin. Na-trauma na kasi ako."

Nabagabag ako dahil sa sinabi niya kaya hindi ko maiwasan na tanungin siya.

"Alvea?" tawag ko sa kanya

"Hmm?" sabi nito

"Can I ask you a question? It's a bit personal.." sabi ko sa kanya

"What is it?" sabi niya

"Kanina sa physical training room, what do you mean na na-trauma ka na?" tanong ko sa kanya

Biglang si Alvea tumigil sa kaniyang kinakain at naging malungkot ang mata nito.

Oops. Sana hindi na lang akong nagtanong, pinaalala mo pa.

"I'm sorry, I didn't mean to-.."

Umiling siya nito, "No, it's alright, I'll tell you."

"Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noong isang araw?" tanong niya sa akin

"Yes, sa labas pa ng mansion sinabi mo sa akin that this mansion was used by your parents until they passed away on some point." pagpapaliwanag ko sa kanya

"You're right, and I was 5 years old when it happened." saad nito sa malungkot niyang boses.

Maigi akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"It was around time when the country is under attack by another country. Sinabi nila na babalik sila but they didn't. They were killed in a battle. Nanalo kami sa digmaan pero namatay sila sa laban, protecting this country; protecting us." sabi ni Alvea at nagsimula itong tumulo ang kanyang luha.

Nakita ko ito at tumayo ako sa pagkaka-upo at pinuntahan ko siya at niyakap. Nagulat si Alvea sa ginawa ko at umiyak ito.

I know how it felt losing someone important to you. Naranasan ko din mawalan Alvea noong nabubuhay pa ako sa dati kong mundo. But here I am, standing strong and was given another chance to live again.

"Shh, huwag ka nang umiyak, andito lang ako. Hindi kita papabayaan. I'll protect you no matter what happens."

Pinahid niya ang kanyang luha at ngumiti siya sa akin.

"Thanks Yuno, I appreciate your concern."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.

"Well, that's enough crying for me today. Pumunta na tayo sa study room ." sabi ni Alvea

"Ngayon na? Pwede mamaya lang? Medyo pagod pa kasi ako." reklamo ko kay Alvea

Kinuha niya ang aking kamay at hinila ako palabas ng dining hall.

"Nope, gagawin natin ngayon. Kasalanan mo naman kasi bakit ang aga mo pang nag-training." sabi ni Alvea sa akin.

Wala akong magawa kaya sinunod ko siya papunta sa study room. Nang makarating kami sa study room ay kumuha siya ng iba't-ibang libro ukol sa mahika at tinungtong ito sa ibabaw ng mesa ko. Nagulat ako dahil isang stack na makakapal na libro ang nakikita ko.

"I have to read all of these? Isn't this too much for me?" sabi ko sa kanya at bahagya akong natawa.

"Yes, this is your punishment for what you have done." sabi ni Alvea at nag-smirk ito.

Reincarnated in the World of Elves with My SmartphoneWhere stories live. Discover now