CHAPTER TWO: The Queen of Elvengarde

223 27 2
                                    

CHAPTER TWO: The Queen of Elvengarde

Sinugo niya ang kanyang mga kawal at dinakip nila ako. Idinapa nila ako sa mabatong daanan at tinali ang dalawang kamay ko sa likod at pinatayo muli.

Ang sakit na ginawa nila sa akin. Inaano ko ba sila? Wala naman akong kasalanan.

"My dear sister! Are you alright?" sabi ng babae mula sa carriage habang tumatakbo papunta sa kapatid niya.

"I searched the whole town just to find you." "Nagpadala na ako ng mga kawal para hanapin ka." nag-aalalang sabi niya sa kaniyang kapatid

Niyakap niya si Alvea sa halos pag-aalala nito at kumawala sa pagkakayakap niya ang kanyang kapatid at tila nairita ito sa ginawa niya.

"Ate anong ginagawa mo sa kanya?" sabi ni Alvea sa galit nitong boses.

"Hindi ba siya ang lalakeng dumukot sa'yo nung nagshopping tayo upang bumili ng damit?" tanong ng kanyang kapatid sa seryosong boses nito.

"Hay.., Ate Althea, nagkakamali po kayo, siya po ang nagligtas sa akin mula sa mga lalakeng dumukot sa akin at hinatid niya ako dito sa bahay natin." pagpapaliwanag ng kapatid niya.

"Kaya pakawalan mo siya Ate, wala siyang kasalanan." dugtong pa niya

"Ganun ba?" tanong ni Althea sa seryosong boses

Tumango naman si Alvea.

"Guards pakawalan niyo siya." utos ni Althea

Whoo! Muntik na ko dun ah. Pasalamat ako nandyan si Alvea para ipagtanggol ako sa kapatid niya

Tinanggal ng mga kawal ang tali sa wrist ng mga kamay ko. Hinimas ko ang wrist ko dahil sa ginawa nilang pagtali sa akin.

Ang sakit naman pagkakatali nila sa akin para akong isang kriminal.

Pinuntahan ako ni Alvea at inaalalayan niya ako sa pagtayo

"Okay ka lang ba Yuno?" tanong ni Alvea na nag-aalala.

"Okay lang ako." aniyang sagot ko

"Ikaw naman kasi Ate, nagdadakip ka kaagad hindi mo man lang siyang hinayaang magpaliwanag sa iyo." sabi ni Alvea sa galit nitong boses.

"Pasensya kana my dear sister, akala ko kasi kung sinong misteryosong lalake ang kausap mo kaya hindi ko maiwasang mag-alala." saad ng kaniyang ate.

"And one more thing Ate, huwag mo kong tawaging "my dear sister" sa harap ni Yuno at sa mga kawal mo." nairitang sabi ni Alvea sa kaniyang kapatid.

"Sige humingi ka ng tawad kay Yuno dahil sa ginawa mo." dagdag pa niya

Agad humingi ng paumanhin ang kapatid ni Alvea dahil sa ginawa niya.

Woah. Hindi ba sila baliktad? Parang under pa ni Alvea si Althea at nakikinig ito ng maigi sa nakababatang kapatid niya. Hilarious.

"Humihingi ako ng paumanhin dahil sa ginawa ko sa'yo." yumuko ito ng napaka-elegante with a serious tone in her voice. Bakas dito ang authority sa boses niya.

"Ako pala si Althea Thearlindt Azure ang nakakatandang kapatid ni Alvea and also the queen of this nation, Elvengarde."

Pagkarinig kong isa siyang reyna ay yumuko at lumuhod ako ng one side sa kabilang paa as a sign of respect in her highness.

"Ako po pala si Yuno Yuuki at bago pala ako dito sa bayan na ito." sabi ko sa ganoong position.

Ito pala ang mararamdaman mo kapag kaharap mo ang isang reyna, mapapaluhod ka na lang sa harap niya with her intimidating presence. Of course with the exception na nawawala ang kaniyang intimidating presence pagdating sa kaniyang nakababatang kapatid.

Reincarnated in the World of Elves with My SmartphoneWhere stories live. Discover now