Chapter 4

206 14 5
                                    

Little Things


"Kung ang tunog na ginagawa ng baka ay "moo..." bulong sa'kin ni Nzo kaya napalingon ako sakaniya. Last subject na namin ngayong araw at nakipagpalitan siya ng upuan sa katabi ko. Maluwag naman at hindi strict ang teacher namin sa subject na 'to kaya walang pakialam kung saan gusto umupo ng mga estudyante niya.


"Ano?" kunot noo 'kong tanong dahil ang tagal niyang dugtungan. Siguraduhin niya lang na matatawa ako dito kung hindi mababatukan ko 'to.


"Bakit nagfe-feeling ka na crush ka ng crush mo?"

"Aba! Bwisit ka talaga!" mabilis kong kinuha ang notebook ko at aambahan ko na sanang hampasin siya kaso biglang nagring ang school bell. Mabilis siyang tumayo dahil saktong tumalikod na din ang teacher namin.

"Aray!" Pabiro kong sinipa ang likod ng tuhod niya pero hindi naman malakas. Napaka-OA talaga netong lalaki na 'to.


"Mamaya ka sa'kin tignan mo." inirapan ko siya pero nangingiti din sa simple naming biruan. Biglaan niyang niyakap ang sarili niya.


"Hoy! Bastos ka! Bata pa 'ko no. GUARD!!" sigaw niya kaya napatingin 'yung mga kaklase namin. Hindi din naman nagtagal ang tingin nila dahil sanay na sila sa biruan namin ng lalaking 'to. Ah, kaya siguro wala pa nagiging girlfriend 'to kasi puro kalokohan iniisip.


Nauna akong naglakad palabas ng classroom at iniwan na siya na walang pasabi pero nararamdaman ko naman yung presensya niya sa likod ko dahil ang bigat ng mga paa na tumatakbo palapit sa'kin.


I felt his arms on my shoulders kaya napalingon ako sakaniya at nakita kong kaka-ayos niya palang sa strap ng backpack niya sa kabilang braso. Halatang nagmadali nga. "Ikaw, iniiwan mo 'ko ah! Porket may Kael ka na. Ganiyan naman kayong mga babae, bilis makakita ng iba!" reklamo niya kaya tinakpan ko ang bibig niya. Napaka-ingay!


"Ewan ko sa'yo. 'Wag mo ibuhos sa'kin galit mo sa ate mo." pang-aasar ko.


"Nagsasabi lang ng totoo." rinig kong bulong niya pero hinayaan ko na lang siya. Minsan naiisip ko pa rin na nagtatampo siya kay Shae simula nung magka-boyfriend 'yon dahil hindi na namin masiyado nakakasama hindi katulad nung mga bata pa kami. Pero alam ko din naman na hindi ganun kadamot si Nzo at naiintindihan niya naman kaya dinadaan niya na lang sa biro ang pagtatampo niya.





Naiisip ko tuloy paano kapag nagcollege na si Shae, mas lalo na mawawalan na siya ng oras sa'min. Paano din kapag nag-college na kaming dalawa? Mas marami kaming makikilalang ibang tao at lalong mawawalan ng oras sa isa't isa. Baka makahanap na din kami ng girlfriend at boyfriend doon. Sana kapag nagkataon ay makakasundo namin ang girlfriend at boyfriend ng isa't isa. Ayoko 'yung magkaka-issue na papalayuin ang bestfriend dahil may nagseselos.


Tahimik na lang kaming bumaba at naglakad hanggang sa makarating kami sa tambayan namin malapit sa gate para hintayin sila Shae. Pupunta kami ngayon sa cafe nila Andrea. Naging tambayan na namin 'yon dahil hindi lang malapit sa school, kung hindi masarap din ang mga pagkain at nakasanayan na namin.





Naglalaro ng Zombie Catchers si Nzo sa phone niya habang nakasandal ang ulo sa balikat ko habang ako naman ay nakatingin lang sa paligid at minsan, sinisilip ang laro niya. Hinihintay na lang namin na lumabas sila Shae. Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang mga pwedeng mangyari kapag college na kami. Ni-hindi 'ko nga sure ang gusto kong i-take.


"Sa UST ka lang ba magtatake ng entrance exam?" tanong ko sakaniya. Nahalata kong medyo nagulat siya sa tanong ko dahil napatigil siya sandali sa nilalaro niya pero mabilis din naman siyang nakabawi.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

End of the ReignWhere stories live. Discover now