Protect
Masaya ang gising ko kinabukasan dahil sa mga nangyari kagabi. Gusto ko man replyan agad ang last text niya, iniwasan ko muna. Baka mamaya isipin niya na umagang-umaga, cellphone agad kaharap ko. Kailangan ko muna magmukhang mabuting anak sa bahay at hindi lang puro cellphone ang ginagawa kaya pumasok muna ako sa banyo ko at naligo. Pagkatapos ay bumaba ako para kumain ng agahan.
Kita ko ang gulat sa mukha ng mga magulang ko na nakapwesto sa dining namin. Hindi kasi ako madalas bumabangon agad ng kama at dagdagan pa ang maaga kong pagligo. Ngumiti na lang ako at hinalikan sa pisngi ang mga magulang ko bago umupo sa silya sa tapat ni mama habang si dada naman ay nasa kabisera.
"May dumaan bang anghel at bakit parang nagkamilagro dito sa bahay?" biro ni Dada. Kahit na hindi ako masyadong maagang nagigising o bumabangon, ayos pa rin sakanila. Basta ang mahalaga ay sabay sabay kaming kumakain ng dinner pag kumpleto kami dito sa bahay. At kapag Sunday naman ay family day namin kaya lumalabas kami para magbonding.
"Masarap lang tulog ko kagabi, Da. Kaya energetic lang ngayon." natawa ako at nagsalin na ng juice sa baso ko. Napansin kong nagkatinginan ang mga magulang ko kaya binigyan ko sila ng matalim na tingin.
Hinaplos ni Mama ang pisngi ko bago pabirong pinisil ang mukha ko. She moved it side to side like there's something she needs to find out intently. Napakunot tuloy ang noo ko sa kilos habang si Dada naman ay sumimsim ng kape.
"Blooming ka ah. May boyfriend ka na?" tanong ni Mama before she removed her hold on my face. Kumagat siya sa bagel niya na akala mo walang ginawang pagpisil sa mukha ko. Tumingin ako kay Dada at nakita kong nakataas ang isa niyang kilay.
"Wala ah! Kakasimula lang ng klase ko, boyfriend agad?" sarkastiko kong sagot at kumuha na ng sinangag para malagay sa plato ko.
"Eh halos kakilala mo naman na yung mga nasa school mo ah?" tanong naman ni Dada.
"So you guys are okay if I have a boyfriend na?" ngiti kong tanong sakanila. I'm only in my 3rd year sa highschool but I know my parents are okay with this topic. Kahit na wala pa naman talaga sa isip ko ang magboyfriend ng gantong edad ay nakakatuwa lang asarin ang mga magulang ko.
"Well, as long as you both know your limits at siyempre magpakilala muna siya samin." bikit balikat na sagot ni Dada.
"Hindi lang ikaw ang liligawan dapat, anak. Pati kaming mga magulang mo." napatingin ako sa sinabi ni Mama. Eto lagi ang sinasabi niya sakin at kahit kay Shae pag may chance na napag-uusapan ang gantong topic. Hindi rin naman nakakaligtas sa pangangaral ng mga magulang ko si Nzo lalo na't galing kay Dada dahil parehas silang lalaki.
Mama & Dada are strict but as long as kilala nila ang mga kasama ko at katiwa-tiwala, pinapayagan naman nila ako. Open din ako sa kanila kaya komportable akong pag-usapan ang mga bagay-bagay sa buhay ko, pero di ko naman lahat sinasabi. Laking pasalamat ko na din na pinapahalagahan din ng mga magulang ko ang privacy ko. Malaki ang tiwala sakin ng mga magulang ko that's why I do my best not to disappoint them.
Kung ako magkakapamilya in the future, magiging ganito din ang pagpapalaki ko sa mga anak ko. Para sa'kin, mas nagiging open ang mga gantong anak sa magulang nila at naiiwasan ang pagsisinungaling.
Anjan ang mga magulang ko para gabayan ako, at mangyayari lang yun kapag nagpagabay ako.
After having breakfast and a little chitchat with my parents, umakyat na ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Kinuha ko kaagad ang phone ko at binuksan ang huling mensahe na nakuha ko galing kay Kael. Ang pinagtataka ko lang, wala rin siyang goodmorning? Nagpapabebe din kaya to?
YOU ARE READING
End of the Reign
FanfictionWill you be able to continue to give light like how the sun rays shine the dark areas? Or just like the the season of summer, you'll welcome the cold wind of fall, accepting the end of the summer's reign?