Summer
Halos dalawang linggo na nang simulang sumama samin sila Marcus sa grupo. Siguro normal lang para kila Shae pero para sakin, nagsisimula na rin ang pagiging awkward ko para sa grupo dahil ilang beses ko nang napapansin ang patuloy na pakikipag-ususyo samin ng mga kaklase namin ni Nzo dahil kila Marcus.
Hindi kami ganun kaclose ni Marcus noon pero dahil na rin napadalas ang pagsama niya samin noong naging sila ni Shae, nakilala ko na din naman siya. Well, except lang kay Kael. Dati ko pa kilala ang magkapatid na Esguerra dahil mga kababata ko ang mga 'to. Lumipat sila sa village namin noong summer vacation between grade 3 and grade 4 ko. Naging magkalaro kami una ni Shae at dahil sa dalas namin maglaro sa bahay nila ay naging kaibigan ko na din si Nzo.
Halos kapatid na ang turingan naming tatlo dahil na rin naging malapit ang mga magulang namin. Mabilis din na napalapit ang loob ng mga magulang ko sakanila. Nag-iisa akong anak kaya laking tuwa nila nang nakilala ang magkapatid. Gusto kasi ng mga magulang ko ng isa pang anak- lalaki kung sakali, pero dahil hirap magka-aanak ang mga magulang ko, hindi na nangyari.
Inenroll ng mga magulang nila ang magkapatid sa parehas na paaralan kung saan ako nag-aaral. Since then, we three became inseperable. Well, of course except kay Shae kapag may klase dahil ahead siya ng 1 year samin. Kahit na mas matanda siya ng isang taon, parang magka-edad lang kami kung magturingan. Hindi na kami masyadong inuusisa ng mga magulang namin pag lalabas kami na magkasama. Ganun kalaki ang tiwala ng mga magulang ko kay Shae, at magulang naman nila saakin.
Madalas kami napapagalitan ng mga teachers namin dahil sa daldal ni Nzo. Matataas ang mga marka namin hanggang ngayong highschool. Pero nung gradeschool talaga isa lang ang hindi namin nakukuhang award- ang Best in Conduct. Napakadaldal niya kasi at kailangan niya ako idamay sa kadaldalan niya.
Naalala ko pa noon, isang beses kami napagalitan ng principal kahit naglalakad lang kami sa hallway ng school namin papunta sa classroom dahil sa ingay ng bunganga niya. Lagi nga siya nabibigwasan ni Shae dahil sa pagiging palabiro niya at dahil lagi ko rin silang kasama, isa na rin ako sa mga lagi niyang inaasar at nahawa na din ako kay Shae na lagi niyang sinasapak ang kapatid.
Nang nag-highschool si Shae, lumipat na siya ng paaralan at nagkaroon ng ibang mga kaibigan. Naiwan kami ni Nzo sa grade 6 kaya halos kami na lang ang magkasama. Kahit na close kami ni Shae, di maiiwasan na may mga panahon na di ko na siya nakakasama dahil mas marami na siyang ginawa nung nagsimula siya sa high school.
Siguro hindi sanay ang mga magulang ni Shae na iba na ang kasama ni Shae sa labas at minsanan na lang na ako ang kasama, mas inanyayahan na lang nito na sakanila ang halos ng mga bonding nila. Dun ko nakilala ang mga kaibigan niya na sila Yumi at Tyler. Simula nang nanligaw si Marcus kay Shae, sumasama din siya minsan samin kaya naging kaibigan din namin siya pero may sarili siyang grupo.
Pagkatapos ng isang taon na 'yon at nakagraduate kami ng elementary, napagpasyahan na din ng mga magulang ko na ienroll ako sa school kung san nag-aaral si Shae. Ayaw ni Nzo doon nung una pero dahil ayaw niya mapalayo samin ng kapatid niya, napilitan din siyang mag-enroll dun.
Kakilala na namin ang mga kaibigan ni Shae at naging kaclose na namin noon pa lang kay kahit nagkaroon na din kami ng Nzo ng mga bagong kaibigan sa batch namin, mas pinili parin namin na kasama ang grupo ni Shae. Si Andrea naman ay bagong lipat lang sa school namin last year pero agad naging ka-close nila Shae dahil kaklase nila ito. Doon nagsimula talaga na nabuo ang grupo namin.
YOU ARE READING
End of the Reign
FanfictionWill you be able to continue to give light like how the sun rays shine the dark areas? Or just like the the season of summer, you'll welcome the cold wind of fall, accepting the end of the summer's reign?