Chapter 3

213 17 11
                                    

Imagination


Naligo muna ako at nagpalit ng pambahay nang nakauwi. Nang bumaba ako ay naabutan ko si Manang na nagluluto siguro ng hapunan para sa'min dahil narinig ko siya sa kusina kaya dumiretso na lang ako sa sala at nilapag ang mga libro ko at notebooks sa lamesa habang umuupo sa sahig. Ganito ang usual routine ko kapag umuuwi at weekday pa.


Dahil sa dami kong iniisip na mga deadlines para sa school ay nakalimutan kong mag-update sa magkapatid at kay Kael kaya tumakbo ako paakyat papunta sa kwarto ko para kunin ang phone. Kinuha ko 'to at bumaba na ulit sa sala habang inuunlock ang phone ko.


Nakita ko ang dalawang notifications galing sa magkapatid pero wala kay Kael. Napaisip tuloy ako kung nakauwi na ba siya kaya siya ang una kong pinagtuunan ng pansin. Nagtipa agad ako ng mensahe para sakaniya.


To: Kael Luciano

Hi! Naka-uwi na'ko :) salamat sa paghatid! Sorry ngayon lang nakapagtext.


After sending the message to Kael, binuksan ko naman ang kay Shae at kay Nzo. Saktong nagtatanong lang si Shae kung nakauwi na'ko na may pag-aalala dahil kanina pa siya nagaantay sa text ko samantalang napa-irap naman ako nang mabasa ang message ni Nzo.


From: Nzo Pogi daw

Nakarating na kami dito sa Makati, wala ka pang text. Ano? Gumala ka ba kaya di ka pa umuuwi??  NAG DATE BA KAYO?! ABA ANG BILIS NYO NAMAN. SUMBONG KO KAYO KAY TITO!!!!


To: Nzo Pogi daw

Hoy! Ang OA mo! Naligo muna kasi ako. Nakakainis. Tska sumbong mo! Samahan pa kita eh. HAHAHAHAHAHA. Lumandi ka na nga para di na mainit ulo mo palagi sa'min ng ate mo.


Hindi ko alam pero lately, nagiging mainitin ang ulo niya sa'kin. Well, pati din naman kay Shae nung simulang ligawan na siya ni Marcus kaya sa tingin ko, kailangan na talagang lumandi ne'tong bestfriend ko.





Naalala ko noon nung nanliligaw pa lang si Marcus kay Shae, laging siyang sumisingit sa kanilang dalawa. Kapag nagpapaalam na lumabas si Shae kasama si Marcus, ipepresenta niya ang sarili sa mga magulang para daw may magbantay sa kanila.

Tinatawanan lang siya ng mga magulang nila at hindi rin kasi mahigpit ang mga magulang nila kay Marcus at Shae basta ba responsable naman ito sa mga ginagawa nila at mas inuuna ang pag-aaral.

Kaya kapag hindi pinipayagan si Nzo na sumama sa dalawa ay ako naman ang yayayain niya. Magsasabi siya sa mga magulang niya na iniwanan at pinagpalit na daw kami ni Shae sa manliligaw kaya kaming dalawa na lang ang magbobonding. Pero ang totoo ay susundan lang naman namin sila.




Noong isang beses kaming nahuli ni Shae ay galit na galit siya kay Nzo, at nagtampo sa'kin dahil bakit ko daw hinahayaan si Nzo at sinasamahan ko pa siya. "It's like you, guys, have deprived me of my liberty & privacy!" reklamo niya sa amin noon.

Panay ang hingi ko ng sorry kay Shae pagkatapos noon pero buong panliligaw ni Marcus kay Shae ay ganoon parin kami ni Nzo. Kahit na medyo lumuwag ang pagiging mahigpit ni Nzo kay Shae at Marcus, hindi na namin sila sinusundan sa kung saan sila mismo nagpupunta.

Kung dati sinusundan namin sila sa loob ng restaurant o ng sinehan, pagkatapos ng tampuhan na iyon ay naging sa mall na lang namin sila sinusundan.


Kung pupunta sila ng mall, ay doon din ang tungo namin pero hindi na namin sila susundan sa loob. Ang mahalaga, wag lang pumunta sa hotel o sa isang pribadong lugar.


End of the ReignWhere stories live. Discover now