Volume One: Meeting You

4 0 0
                                    

"Ma? Ma? Mommy, sumagot po kayo. Hindi ko po kayo makita.. Mommy ko.."

Naramdaman kong ginigising ako."Rielle, Rielle. Gumising ka. Nananaginip ka na naman. Rielle.."

Dinilat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Ate Beth, ang kasambahay namin na nag-aalaga sa akin simula nung limang taong gulang pa lang ako.

Napaupo ako at niyakap ko si Ate Beth. "Ate Beth, si mommy.."

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Tinatapik ni Ate Beth ang likod ko hanggang sa tumahan ako.

"Rielle, alam mo namang aksidente lang ang nangyari. Bata ka pa noon, wala kang kasalanan. Maniwala ka sa akin. Tahan na ha? Sige na, baka ma-late ka pa. May klase ka ngayon diba." Ngumiti siya sa akin at umalis na sa kwarto ko. Napatingin ako sa orasan.

"Whaaat!? 6:30AM na? 7:30AM start ng klase ko. Ano nang gagawin ko??" Napasigaw ako sa sobrang taranta at mukhang narinig ni Ate Beth.

"Maligo ka na. Nakahanda na ang almusal mo. Pa-plantsahin ko na lang damit mo. Sige na."

Tumakbo na ako papasok ng banyo nang marinig ko ang sabi ni Ate Beth. Pagkatapos ko maligo, bumaba na ako sa kusina para kumain.

"Aba Rielle, ba't andito ka sa kusina kumakain? Tumawag nga pala si daddy mo. Next week na raw siya magpapadala ng allowance mo." Napatigil ako sa pagkain.

"Ate Beth, salamat po sa pagkain. Aalis na po ako." Tumayo na ako at lumabas na ng bahay.

"Rielle, sasakay ka ba? Sira yung makina ng sasakyan eh. Hindi pa dumadating yung mag-aayos." Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang sinabi ni Manong Albert, ang driver at asawa ni Ate Beth.

"Ay sige po, ok lang. Itatakbo ko na lang ho. Hahaha.." at dali-dali naman akong lumabas sa gate.

7:15AM na. Malapit na akong ma-late! Hingal na hingal akong tumakbo papuntang school. Lalo akong nataranta nang makita ko ang mahabang pila sa gate ng school namin.

Anong klaseng joke ba 'to?! Naluluha na ako sa kamalasan ko ngayong araw.

"Miss.." Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko at napalingon ako sa likod.

"Bakit? May problema ka ba?" Ngumiti naman siya.

Ang weird naman nito. Sabi ko sa sarili ko.

"Miss, naiinis ka ba sa haba ng pila? Male-late ka na ba?" Nakangiti sya habang nagtatanong.

"Oo. Malapit na akong ma-late at naiinis na ako dito sa pila. Nagtatanong ka ba para inisin lang ako? Obvious naman di'ba? Tapos nagtatanong ka pa, at –"

Napatigil ako sa pagsalita nang hinawakan niya ang kamay ko at tinakbo ako papuntang likuran ng school.

"Waaaait. Saglit. Hinto. STOP!! Ano ba problema mo at bigla-bigla mo na lang akong kinakaladkad? At nasaan na ba tayo? Hoy, sumagot –" Humarap siya sa akin at ngumiti ulit.

"Di'ba sabi mo male-late ka na? Edi bibigyan kita ng shortcut. Ayan, dito tayo sa may likod ng canteen. Ako lang ang nakakapasok dito. Susunod ka ba o hindi? Halika na."

Matagal akong nakatulala at bigla kong naalala na may klase pa pala ako. Tumakbo ako papasok nang binuksan niya ang pinto. Hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil sa sobrang pagkataranta. Hindi ko rin nalaman kung ano ang pangalan niya.

Lunch break na, natapos din ang morning class namin.

"Arielle, buti hindi ka na-late. Akalain mo yun, nasa likuran mo lang yung teacher natin. Haha!" Nakasimangot akong tumingin sa mga kaibigan kong kaklase.

A Diverse Love Story (2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon