ARIELLE'S POV
One week na ang nakalipas.
One week na ring nasa ospital si Patrick. He's doing well naman. Dinadalaw namin siya ng barkada ko, syempre kasama rin si Enzo. One week na rin kaming magkaibigan ni Enzo. Naging close kami after nung school fest. Parang magbestfriend na nga turingan namin eh. Mabilis ba? Bakit, ano ba qualifications ng pagiging magbestfriend? As long as we're comfortable with each other, open sa mga problema, ok na yun. Hahaha!
Busy pa rin kami kahit tapos na ang school fest. Last week, balik regular class kami. 7:30am-5:00pm. Hindi na rin ako nale-late. Improving diba?
Back to the topic. Eto, may periodical test ngayong week. Normal lang 'to, highschool students pa rin kasi kami. Ang nakakainis lang, Monday na Monday, exam agad! Buhay HS nga naman. Tss.
Maaga akong pumasok ngayon, syempre baka ma-deds ako kapag na-late diba. Apat lang ang exam namin ngayong araw, at ang first subject? Social Studies. Daaarn. What a great thing to start your day.
One and a half hour ang alotted time para sa exam. Break na after.
Naubos ko yung buong time para sa exam na yun. Nakakainis. Ano ba naman kasi ang kinalaman ng isang HS student sa history ng Asia? Eh, sa Pinas lang naman ako pinanganak at lumaki. As if namang may balak ako mag-world tour noh? Tss. Pasensya na, ayaw ko lang talaga dun sa subject na yun. Idagdag mo pa yung matandang masungit na teacher namin dun.
"Arielle, how's your exam? Madali lang diba? "
Tanong sa akin ni Ella. Mukha syang masaya. Madami siguro siyang nasagutang tama.
"So far, so good. Alam mo namang mainit ang dugo ko sa subject na yun eh. "
Yea. Pinagtawanan lang nila ako. Ang ingay nila. Tipong kaming magbabarkada lang ang may ganang mag-ingay sa classroom. Well, except for Marisse. Tahimik pa rin siya.
Napansin ko na nakatingin sa amin ang iba naming classmate.
"Guys, keep it low. Nanlilisik na ang mga mata nila." Sabay turo ko sa mga classmate namin.
Tumayo si Jane.
"Well, we can't help it. Nag-aral na kasi tayo nung weekend at –"
Tinaasan ko siya ng kilay at parang napatigil siya sa pagsalita.
"Ok, chill. Magiging humble na po Class Rep."
At nagtawanan ulit silang tatlo.
Tumayo si Marisse. Kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas ng room. Mag-aaral ata sa corridor. Hindi kinaya ang ingay nitong tatlo.
"Hey, Arielle. Mukhang desidido si Marisse na taasan ka ngayong first grading a? Hindi ka ba natatakot?" pabirong tanong ni Nessa.
"Nako, Nessa. Hindi mo ba alam na Geometry na ang next subject? Hindi na kailangang mag-aral ni Arielle dun. Siguradong matataasan nya pa rin si Marisse." Sabay-sabay silang tumango para sumang-ayon.
Talagang synchronized paggalaw nila. Akala mo triplets eh. Haha!
Nagtataka ba kayo kung bakit parang wala kaming pakialam sa mga exam ngayon? Well, maliban kay Marisse. Hoho. Ganito kasi yun, kaming lima ang laging nagta-top sa mga exam. Top 5 din kami pagdating sa academics at sports.
Si Ella, ang favorite niyang subjects ay Soc Studies, Filipino at PE; si Jane, nag'e-excel naman sa English at Music; si Nessa, sa Arts at Chemistry; si Marisse, sa MAPEH, English at Chem. Ako naman, mmm, nevermind na lang.
Pumasok na sa loob ng classroom si Marisse at sinabi nya na parating na ang proctor namin. Hiwa-hiwalay ang seats naming magbabarkada dahil sa na-issue na kami dati na nagkokopyahan daw, which is not true. Tch.
BINABASA MO ANG
A Diverse Love Story (2011)
Romance..having a fairytale-like love story was never that simple.. it will always have a wide range of DIVERSE situations. This is a work of fiction. The characters, incidents, and locations portrayed and the names herein are fictitious, and any similarit...