Arielle's POV
Sinagot niya ang tawag ko, pero hindi ko alam ang sasabihin ko.Ano ba Yel, tatawag tawag ka tapos hindi mo alam ang sasabihin mo? Aish.
"Hello?"
Hindi siya nagsalita.
"Patrick, ba't ka nga pala tumatawag kanina? Pasensya na, madami kasi akong –"
Pinutol niya ang sasabihin ko. Sinabi niya na pagod na raw siya at kailangan na niyang matulog kaya binabaan na niya ako ng phone.
Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko ngayon. Para akong magkakasakit pero iniisip ko na baka pagod lang ito. Humiga ako sa kama at natulog na.
"Rielle, ok ka lang ba?"
Naramdaman kong may humahaplos sa braso ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ate Beth at Raffy sa tabi ng kama ko. Mukha silang alalang-alala. Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Ate Beth.
"May sakit ka. Ang init mo oh. Tumawag na pala ako sa school niyo para sabihin sa teacher mo na hindi ka muna papasok ngayon. Sige, pagluluto muna kita ng lugaw."
Lumabas na ng kwarto si Ate Beth.
Napatingin naman ako kay Raffy. Nagtaka ako dahil sa pagkaka-alam ko, lagi siyang maaga pumasok sa school.
"Nagtataka ka ba kung bakit nandito ako?"
Tumango lang ako. Gusto ko sanang magsalita pero nahihirapan ako.
"Actually, paalis na ako kanina pero nung dumaan ako dito sa kwarto mo para gisingin ka sana, naririnig ko na hirap kang huminga kaya tinawag ko si Ate Beth mo." Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Nag-aalala ako kaya hindi muna ako pumasok sa school."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ba't ngumingiti-ngiti ka d'yan? Para kang baliw."
At sabay kaming tumawa.
Maya-maya lang ay bumalik na si Ate Beth na may dalang lugaw.
"Kumain ka muna Rielle. Pagtiisan mo 'tong lugaw kahit na alam kong ayaw mo nito."
Tinulungan nila akong umupo sa kama. Sinusubuan ako ni Ate Beth samantalang nakatingin lang sa amin si Raffy.
Hindi ko alam kung bakit parang naiilang ako kay Raffy. Siguro dahil na rin sa ito yung unang beses na naging concern siya sa akin, sa pagkakaalala ko.
Pagkaraan ng ilang minuto, naubos ko rin ang isang mangkok na lugaw.
"Raphael, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Ate Beth kay Raffy.
Umiling siya. "Hindi po. Babantayan ko na lang si Yel."
Tumayo na si Ate Beth.
"Oh, sige. Maglilinis muna ako ng bahay, ha? Patulugin mo siya maya-maya. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan kayo."At umalis na si Ate Beth sa kwarto ko.
Umupo sa tabi ko si Raffy at nagkwentuhan kami. Napasok sa usapan namin yung tungkol sa school fest namin. In-invite ko siyang pumunta at manuod ng play namin, pero bigla kong naalala na may fear ako sa crowd kaya binawi ko ang sinabi ko sa kanya. Hindi siya pumayag at lalo pa niya akong inasar.
Naramdaman ko na rin ang epekto ng ininum kong gamot.
"Raffy, matutulog na muna ako."
Tumango siya. "Ok, sige. Hindi naman ako aalis sa tabi mo. Matulog ka na dyan."
BINABASA MO ANG
A Diverse Love Story (2011)
Romance..having a fairytale-like love story was never that simple.. it will always have a wide range of DIVERSE situations. This is a work of fiction. The characters, incidents, and locations portrayed and the names herein are fictitious, and any similarit...