Volume Two: Twisted Memories

2 0 0
                                    

"Hey, Chua!(sabay gulo sa buhok ko)"

Iniratan ko siya at napansin kong yumuko lang siya. Maya-maya ay hinabol niya ako sa paglakad.

"Sorry na, Chua. Peace?" Nakangiti siya habang kinukulit ako.

Huminto ako sa paglakad at napatingin sa kanya. Napahinto rin siya. Nagtinginan kaming dalawa at biglang nailang.

"Ay nga pala. May nagtext daw kay Ivan, VP ng section natin, kaya ayun nag-meeting kami kanina para sa up-coming school festival." Nakangiti siya habang sinasabi sa akin yun.

"Oh? Eh, kamusta naman? Anong napag-usapan niyo?" Hindi siya tumingin sa akin at nagsimulang maglakad na parang walang narinig sa mga tanong ko.

"Hoy, Rodriguez. Ano ba pinag-usapan niyo?"

Lumingon siya sa akin at nagsabing,"Tingnan mo na lang sa board natin."

At dahil sa curiosity ko, dali-dali akong bumalik sa classroom namin. Pumasok na ako sa loob ng classroom at napansin kong nakatingin silang lahat sa akin.

"Arielle, congrats nga pala!" Sabi sa akin ni Michael.

Nagtaka ako kung bakit niya sinabi yun kaya tumingin na ako sa board. Nagulat ako sa nabasa ko.

"Juliet, congrats ha?" Tumingin ako sa likod.

Si Patrick pala ang nagsalita. Tumingin ako sa kanya na parang maiiyak na. Nagtaka siya. Hinila ko na lang siya palabas sa classroom.

"Bakit? Bakit ka naiiyak?"

"Eh kasi.."

Napahigpit ang paghawak ko sa kanya. Seryoso siyang tumingin sa akin.

"..kasi may fear ako sa crowd. Nanlalambot ako at hindi makagalaw pag nasa harap ako ng madaming tao. Kaya ko pa kung buong klase lang, pero..pero di'ba madaming tao pagkaganon? Palitan niyo na lang ako."

Yumuko siya, "Sorry, Chua." Napatingin ako sa kanya.

"Sorry kasi na-submit na namin yung casting para sa play, at hindi na raw pwedeng palitan at –"

Naluha ako at hindi mapakali.

"Wag..Yel. Wag kang umiyak. Tutulungan na lang kita. Magpa-practice tayo. Makakaya mo yan." Hindi pa rin ako mapakali pero nabawasan naman ang kaba ko.

"ARIELLE!" Narinig ko ang boses nina Ella at Nessa.

"Alis na muna ako, Chua." Mahinang sabi sa akin ni Patrick.

"Arielle, sorry. Apat lang kami na nag-disagree na ikaw ang maging Juliet. Sorry talaga." Ramdam ko namang totoo ang sinasabi nila. Pinilit kong ngumiti.

"Okay lang, guys. Wala na tayong magagawa e."

Tinapik ako ni Marisse at sumenyas siya na mag-uusap kaming dalawa. Lumayo kami ng kaunti ni Marisse.

"Chua, baka nakakalimutan mo na yung nangyari four years ago?" nag-isip ako kung ano yun. "Hindi mo na maalala? Ok lang, mas mabuti ngang hindi mo maalala."

Bago matapos ang afternoon classes namin, kinausap ako ni Patrick.

"Chua.." tumingin ako sa kanya. "Anong oras ka pala gumigising sa umaga?" Nagtaka ako sa tanong niya pero sinagot ko pa rin siya.

"6:30 ata pinakamaaga. Bakit?"

"Ah, ganon ba? Ok. Thank you sa pagsagot. Sige, ingat kayo sa pag-uwi." Ginulo na naman niya ang buhok ko bago umalis.

A Diverse Love Story (2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon