Convo #147

122 10 0
                                    

Wattpad•

Hi, Kc!

Handa na ako...

Ito na, dumating na 'yung araw na dating kinakatakutan ko... Lumala na ang Leukemia ko.

Private akong kinausap ng Doctor kanina sa posibleng mangyayari sa akin. Ayaw ko man paniwalaan pero iyon ang totoo. Malapit na ako mawala sa mundo.

Bumabalik 'yung takot ko kapag naiisip kong iiwan na kita, kayo nila ate Clair at mama kasama si lola. Pero ngayon... Handang handa na ako. Itong buhay ko ay pinahiram lang sa akin ng Diyos kaya wala akong karapatan na husgahan siya.

Mawala man ako dito sa mundo, may naiwan naman akong masasayang alaala dito.

Kc, Salamat dahil sa 16 years kong namumuhay dito sa mundo, nakilala kita. Ikaw ang pinaka-best na biyayang naibigay sa akin... Syempre kasama na rin ang pamilya ko.

Gusto ko man manatili pa rito sa mundo pero tinatawag na ako ni Lord.

Kc Dela Cruz! Huwag ka gagaya sa akin ha? 'Wag mo ako tutularan. Alagaan mo ang sarili mo. Wag ka magpapagutom, kumain ka sa tamang oras, 'wag ka masyado maadik sa internet kasi you know I love yah! :)

Sana makahanap ka ng babaeng mas kaya kang alagaan ('Wag si Lorein Wongfan 😠). 'Yung mamahalin ka at hindi ka iiwan hanggang sa huli. Pero pag nahanap mo na ang babaeng 'yun syempre babantayan ko pa rin kayong dalawa hanggang sa maka-buo kayo ng HAPPY FAMILY! ♡

Love Eris Discordia (Hindi niya tunay na pangalan)

Hi, Kc! (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon