Convo #102

54 6 0
                                    

•Active Now•

Clair:
Hi, baks!

Eris:
Ate Clair! Madaya ka bakit mo ako iniwan dito? Sabi mo mabilis ka lang mawawala? 😠

Clair:
Bakla umayos ka nga! Busy ang ate mo Clair!

Eris:
Bwict! Hindi naman sa ayaw ko ha? Pero ate Clair ayaw ko talaga kasama sila Mama dito 😭 imbis na bantayan niya ako, binubungangaan na niya naman ako. Naririndi na dalawang tenga ko!

Eris:
Pagka-gising, tanghalian, bago matulog, laging bunganga niya 'yung naririnig ko :((( paulit-ulit niya sinasabi na dapat wala raw kami rito ngayon sa hospital at wala kaming dapat bayaran kun'di lang daw ako pasaway at tanga-tanga

(😢)

Clair:
Wag mo na lang damdamin mga sinasabi ni Tita 😪 kasalanan mo rin naman kung bakit ka tinamaan ng Leukemia. Malamang magulang mo 'yun, Mahal ka niya kaya ka niya pinapagalitan

Clair:
'Wag ka mag alala malapit ko nang tapusin tong mga inaasikaso ko sa school, after that ako na ulit mag babantay sa'yo

Eris:
Kinamusta ka nga pala sa akin ni ate Reicel! Miss ka na naming mga kitkaters, bumalik ka na raw sa RPW

Clair:
Hmm binabalak ko nga 'yan

Clair:
Naging college lang ako, naging impyerno na buhay ko! Kailangan ko pa ma-complete 'yung plates ko kasi next week na raw pasahan

Eris:
Parehas kayo ni ate Reicel, tumuntong lang ng college, todo-busy na

Clair:
Buti sana kung kasing talino ko ng babaeng iyon!

Eris:
Ate Clair may secret ako kung paano ka makakapasa sa college nang walang kahirap-hirap 😎

Clair:
Bakla ka, tantanan mo ako! Alam kong kalokohan na naman iyan

Eris:
Pero gusto mo malaman?

Clair:
Hmm sige nga! Paano?

Eris:
Matulog ka kasama Professor mo

Clair:
SABI NA KALOKOHAN NA NAMAN EH! manahimik ka na lang. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyang 'secret' kuno mo

Eris:
HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Clair:
Hoy baks! Naka-chat ko nga pala 'yung boyfie mo gamit acc mo

Eris:
Oo alam ko. Nag back read ako! Ganda nga ng usapan niyo eh

Clair:
Ang swerte mo naman sa boyfriend mo, bakla!

Eris:
'Wag mo nga ako tawaging bakla! Baka makarating iyan kay Kc, then maniwala talaga siyang bakla ako. Humanda ka!


Clair:
Baklang toh!

Eris:
MANAHIMIK KA NA!


Clair:
Seryosong usapan... Musta na?

Eris:
Ito boring pa rin

Clair:
Hindi 'yan

Eris:
Ano pa ba gusto mo malaman?

Clair:
Umayos ka. Alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin

Eris:
Ate Clair pwede bang kahit dito lang sa chat... Kahit saglit lang please :(

Eris:
Kalimutan muna natin na may Leukemia ako please lang. Parang awa mo na, gusto kong sumaya

Clair:
Wala na munang biruan. Sagutin mo ang tanong ko. Kumusta kalagayan mo?

Eris:
Hayss 😒

Clair:
SUMAGOT KA!

Eris:
Video Call tss...




Clair Vergara
Video chatting from Messenger

Answer✓

Hi, Kc! (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon