convo #76

77 7 0
                                    

•KitKaters•

Eris:
Haysss... Nakakainip dito. Gusto ko na umuwi :(

Reicel:
Konting tiis na lang :)

Summer:
Wag ka muna mainip, kaya mo yan! GO ERIS! GO ERIS! GO ERIS!

Reicel:
Ako nga hirap na hirap na sa mga paper work ko pero laban lang! Para sa grades hahaha. Gusto ko na maka-graduate

Eris:
Ano nga po ulit course mo?

Reicel:
BS Tourism Management :) kayo ano nga ba balak niyo i-take?

Eris:
Paiba-iba po kasi ang gusto ko kaya nahihirapan ako hehehe. Dati want ko maging teacher, tapos seawoman, tapos ewan ko na :(

Eris:
Pero mukhang maganda po 'yung course niyong tourism, baka ayan na lang din po ang i-take ko, gaya gaya ako eh hahaha

Summer:
Ako basta ako gusto ko maging Architect ♡

         (😮)²

Eris:
Sabado ngayon, ano po ginagawa niyo?

Summer:
Gumala ako kasama mga classmate ko kanina tapos tamang food trip lang. Kakatapos lang kasi ng 3rd periodical test namin kaya wala na kami masyadong ginagawa

Reicel:
Ako eto tamang aral-aral lang

Eris:
Wow, buti pa kayo nakakagala pa samantalang ako mag hapong nakakulong sa boring na hospital na 'to :( kapag talaga gumaling na ako, lahat ng lugar sa mundo kahit ibang planeta pupuntahan ko! Kasama si Kc...

Summer:
Ayy palaban! HAHAHA

Reicel:
Kaya pagaling ka na, daming nag hihintay sa 'yo ♡

Eris:
Miss ko na kayo basta pag nakalabas ako dito meet up ulit tayo ha?

Reicel:
SURE!

Summer:
Sureness yesness!

Eris:
Miss ko na rin pala si Kc :(

Xylrome:
Hoy mga lutang! Lalo ka na @Eris Discordia! Nag o-open ka pa ba sa Facebook?

Eris:
Hindi na. Messenger na lang ang ino-online ko everyday, bakit?

Xylrome:
Stupid! Open mo Facebook mo then tignan mo 'yung tinag sa 'yo ni Kc, dali

Summer:
Wait lemme see

Reicel:
Omygosh! Nakita ko rin yung post na iyon pero 'di ko pinansin kasi akala ko alam na ni Eris

Eris:
Post ni Kc? Naka-tag ako? Hala 'di ko alam, dinelete ko na kasi Facebook ko

Summer:
Hanep, nakakakilig naman. Bee @Eris tignan mo 'yung tinag niya sa 'yo tapos sagutin mo na rin 😊

Eris:
Hala ano ba meron? Sabihin niyo na lang kaya! Mag d-download pa kasi ako ng facebook eh

Reicel:
Mas maganda kung ikaw mismo mag babasa ng post niya dahil para sa 'yo iyon ♡

Eris:
Sige na nga wait lang tagal mag download tsk!

Xylrome:
Go!

Eris:
Pero teka lang may problema

Summer:
Anong problema?

Eris:
PMS ako ngayon and hindi ako makapag palit ng napkin kasi lalaki 'yung nurse na nag aasikaso sa akin nakakahiya!

Xylrome:
Mamaya na 'yan teh! Tignan mo muna yung tag sa 'yo ni Kc dali

Hi, Kc! (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon