Prologue

33 5 0
                                    


Prologue

11:11.

Sabi nila, mahiwaga raw kapag pumatak sa orasan ang 11:11.

Mapa-gabi man o mapa-araw. Sabagay, dalawang beses lang naman mangyari ang 11:11 sa isang araw kaya maswerte ka raw kung masaktuhan mo ito.

Maraming nagsasabi na sa tuwing papatak ang 11:11 ay humiling ka lang daw at ito ay matutupad.

Walang sapat na basehan kung may katotohanan ba ito. Kung totoo bang mangyayari ang isang kahilingan. Wala pang tao ang nagpapatunay, ngunit maraming mga tao ang naniniwala. Walang sapat na basehan pero maraming gumagawa. Kung talaga bang magkakatotoo ang iyong hiling kapag humiling ka sa oras na iyon.

Hindi madalas mapigilan kahit walang kasiguraduhan. Umaasa na sana...sana matupad.

Hindi ko rin alam. Pero minsan, sa tuwing mapapatingin ako sa aking orasan at pumatak sa ganoong oras ay kahit nasaan ako ay hindi ko rin mapagilan na hindi humiling.

Nagbabakasali na baka sakaling magkatotoo ang aking sariling hiling.

Katulad na lang ngayon. Malapit na namang mag-11:11 ngayong umaga. Mukhang mapapahiling na naman ako ng wala sa oras.

Mukhang uulitin ko na naman ang aking isa sa madalas na hilingin na hanggang ngayon ay hindi pa rin matupad-tupad.

Oo, umaasa ako. Wala e, isa ako sa mga taong umaasa na baka sakaling mapagbibigyan ang mga kahilingan.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana sa aking kwarto. Medyo hindi maganda ang panahon ngayon. Makulimlim ang kalangitan at may pumapatak-patak na ambon sa labas.

May ilang mga bata na naglalaro sa labas. Napangiti naman ako sa aking nakita kasi isa rin ang bagay na iyon sa mga ginawa ko noong ako ay bata pa.

Masaya oo, nakakamiss nga lang.

Muli akong napatingin sa aking orasan at nakita na isang minuto na lang at 11:11 na.

Ipinikit ko ang aking mata at ninamnam ang simoy ng hangin na nagmumula sa aking bintana bago muling inusal sa aking isipan ang aking hiling.

Sana...sana maging okay na ako. Sana makilala ko na iyong tao na bubuo sa pagkatao ko. Sana tuluyan na niyang mapunan ang kulang sa buhay ko...sa buong pagkatao ko.




Itutuloy...



A/N: Hello po! In-unpublished ko na po ito sa account kong ito at pinublished sa isa ko pang account na in-unpublished ulit at dito ko na talaga po ito balak na ituloy. So yeah, samahan niyo po ako sa journey kong ito. Pasensya na po. Salamat po! Ingat po!

11:11 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon