Chapter 6

15 4 0
                                    

Unedited

Chapter 6

"Hope!" Kaagad akong lumingon sa tumawag sa akin at siya ay tiningnan.

"Bakit?"

"P-Pwede ka ba naming maging kagrupo?"

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Ano raw? Bakit? Anong mayroon?

"Kagrupo?" Tumango 'yong taong kumausap sa akin. May kasama naman ito pero siya lang ang sumagot at tumingin sa akin. "Para saan?"

"May... may activity kasi tayong gagawin sa Purposive Communication e naulit kanina na by group daw 'yon. Apat daw sa isang grupo e kulang kami ng isa. Napansin din naman namin na mukhang wala ka pang kagrupo kaya isasama ka na lang namin para tayo na lang ang magkakagrupo." Sa pagkakataon na ito, 'yong isa na niyang kasama ang sumagot.

Gano'n ba ako kalutang kanina? Siguro nga. Hindi ko kasi alam na may ganito. May gagawin pala kami tapos wala man lang akong kamuwang-muwang.

"Ahh, sige sige. Sasama ako sa inyo," tumatango-tangong sagot ko. Ngumiti rin ako sa kanila nang ngumiti sila sa akin.

Wala namang rason para hindi ko ibalik ang ngiting pinakita nila sa akin. Hindi na rin naman bago sa akin na kaya ganito ang trato nila sa akin ay dahil kung ako raw ay titingnan ay mukhang mataray at parang nakakatakot daw lapitan.

Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganitong impresyon sa akin. Marahil ay totoo nga dahil 'yon ang kanilang nakikita sa akin.

Bago sila tuluyang umalis ay sinabi muna nila sa akin ang mga detalye na aming gagawin. Nakinig akong mabuti sa kanila. Hindi naman porket by group itong gagawin na namin ay magpapakampante na ako. We will work as a group here so I should do my task.

Pagkaalis nila ay tumingin ulit ako sa bintana. Piniling libangin muna ang sarili habang iginagala ang aking mga mata.

Wala kaming klase ngayon kaya sinamantala ko ito para mamahinga muna. Kagaya ko ay gano'n din ang ginawa ng mga kaklase ko.

Paano ba naman kasi ay marami kaming ginawang mga activity kada subjects ngayong linggo. Halos magkakasunod din ang pasahan kung kaya't pandalas na kami sa paggagawa. Bukod pa rito ay may pangkatang gawain din kami na kung saan ay may gagawin kaming makabuluhang presentasyon na konektado sa binigay na paksa sa amin.

Mabuti na lamang nga't natapos na ang mga ito. Kaya kami ngayon e namamahinga na muna. Kaninang umaga ang huling activity na ginawa namin. Pero mukhang hindi rin. May panibagong gawain na naman kasi na binigay sa amin ngayon.

Hayst, kailan ba ang mga ito matatapos?

Magsisimula na naman ang ganito. Paisa-isa muna pagkatapos, sunod-sunod na hanggang sa matambakan na naman kami.

Natapos ang araw namin na walang umattend na guro sa aming klase. Siguro'y nagchecheck na ang mga ito ng mga pinasa naming mga gawain.

Naglalakad-lakad na rin ako ngayon pauwi. Uwian na rin naman namin. Wala na rin naman akong gagawin sa school kaya minabuti ko na lang na umuwi. Napag-usapan na rin naman namin kanina na sa group chat na lamang mag-usap-usap para sa gagawin namin sa Purposive Communication kanina bago kami tuluyang umalis ng room.

"Aling Loreng!" Bati ko sa matandang babae nang makita kong ito'y tatawid ng kalsada.

Lumapit kaagad ako rito ay nginitian. "Saan po ang lakad natin, Aling Loreng?"

"Diyan lang sa malapit, Hope."

"Gaano po kalapit? Samahan ko na po ikaw," pangungulit ko rito.

11:11 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon