Chapter 2

19 5 2
                                    


Unedited

Chapter 2

Parang kailan lang, kasama ko lang sila pero ngayon, heto at ililibing na sila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na biglang nagkaganito na.

Ilang araw akong tila wala sa aking sarili. Ayokong kumausap, ayoko ng may nakakausap. May ilang sumubok ngunit madalas, tanging simpleng pag-iling at pagtango lang ang aking nagawa.

Mas pinili kong mapag-isa muna.

Mas gusto kong solohin muna ito. Solohin ang halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon lalo na at alam kong...mismong sarili ko lang ang mas maaasahan ko ngayon.

Hindi ko lubos maunawaan kung ano ba talaga ang aking tunay na nararamdaman lalo na at halo-halo nga ito.

Napansin ko sa mga nakalipas na araw ay nakatulala lang ako sa harapan kung saan matatagpuan sila. 'Yon nga lang, wala ng buhay.

Nakapikit, nakahiga at payapa silang tingnan sa kinalalagyan nila— sa kabaong kung saan ay wala na silang buhay.

"Sasabay ka ba sa amin pauwi, Hope?" Binalingan ko ng tingin si Aling Nena at marahang umiling.

Naintindihan siguro nito ang aking nais na ipahiwatig kaya payak lang itong ngumiti sa akin bago tuluyang lumisan. Ngunit bago siya tuluyang lumisan kasama ang kaniyang anak ay hinaplos muna nito ang aking pisnge.

Sa ginawa niyang 'yon ay mas naalala ko ang aking yumao na ina. Tila mas lalo akong nalungkot  sa kadahilanang lubusan kong napatanto na wala na talaga ang aking sariling ina...magulang.

Marahang tinapik ni Aling Nena ang aking kaliwang balikat at lumisan na.

Pinanood ko sila ng anak niya hanggang sa tuluyan silang nawala sa aking paningin. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking harapan.

Ngumiti ako pero may pait at sakit na nakapaloob dito. Alam kong hindi na ito ang ngiting aking nakasanayan. Wala na ang sigla at galak dito.

At mas lalong hindi ko alam kung kailan ulit ako makakangiti katulad nang dati.

Sa tingin ko, magtatagal pa bago ulit ako makangiti katulad ng aking nakasanayan.

Nandiyan na naman ang pakiramdam kong labis na pangungulila sa kanila.

Kailan ko kaya ulit sila makikita?

Kailan ko kaya ulit sila mayayakap?

Kailan ko kaya ulit sila makakasama?

Ang daming 'kailan' na tumatakbo sa aking isipan at hindi ko alam kung may magkakatotoo ba sa mga ito.

Walang kasiguraduhan sa kung anong mangyayari.

Paano na ngayon?

Paano na ako ngayon?

Paano ko haharapin ang mga panibagong araw na dadating sa akin kung wala naman sila?

Kaya ko ba?

Kakayanin ko ba?

Napabuntong-hininga na lang ako sa aking naisip.

Ano ka ba naman, Hope, syempre kailangan mong kayanin! Kailangan mong kayanin kahit na mag-isa ka na lang ngayon.

Kaya mo at kakayanin mo...

Nagtagal pa ako ng ilang oras sa sementeryo. Ako na lang ang natira rito. Okay na rin ito, mas gusto ko talagang mapag-isa ngayon lalo na at ito at libing ngayon ng aking yumao na magulang.

Nagbabadya na naman ang aking mga luha. Tila nais kumawala. Pinagkasya ko na lamang ang aking sarili kakatingin sa libingan nila.

Alam kong kung sakaling nabubuhay pa sila, hindi nila gugustuhin na makita akong ganito. Na magkakaganito ako kaya kahit mahirap, pipilitin ko ang aking sarili na hindi magpadala sa aking emosyon lalo na at hindi naman ito makakatulong sa akin.

11:11 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon