Unedited
Chapter 3
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang nalaman ko ang tungkol sa aking matalik na kaibigan at sa aking kasintahan. Ay mali, hindi na ako sigurado kung kaibigan ko pa rin ba siya.
Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan ngayon lalo na at may nalaman nga ako sa kanila. Hindi ko alam kung...magagalit ba ako o ano, e. Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya kasi nga, kaibigan ko siya. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit, kahit na ganito na ang ginawa niya sa akin, hindi ko man lang siya magawang sumbatan, komprontahin, kausapin, tanungin.
Natatakot ako. Natatakot akong masira ang pagkakaibigang mayroon kami. Siya na lang ang meron ako ngayon at ayokong pati siya...mawala rin sa akin.
Hindi ko ata kakayanin kung pati siya, mawala rin sa akin.
Tungkol naman kay Hunter? Ayoko ng manatili pa sa relasyong mayroon kami lalo na at alam ko na naman ang katotohanan na nanggaling mismo sa kaniyang bibig. Sa kaniya ko mismo narinig. Balak ko ng makipaghiwalay na sa kaniya kasi para saan pa?
Para saan pa para manatili ako sa relasyong wala namang pagmamahal. Hindi naman nabuo sa dalawang taong nagmamahalan dahil hindi hamak na sa aming dalawa...ako lang naman 'yung nagmamahal at masakit din pala.
Kung gusto nila ang isa't-isa, hahayaan ko sila. Hahayaan ko na lang silang dalawa sa kung anong mayroon sila. Hindi ko sila sisirain, hindi ko sisirain ang relasyon nila kahit na nasaktan at patuloy akong nasasaktan sa ginawa nila sa akin.
Okay lang na masaktan ako, basta huwag lang masira ang pagkakaibigan namin ni Angel. Kakayanin ko ang sakit, basta magkaibigan pa rin kami.
Natigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang may narinig akong katok. Napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na pala.
Gano'n ba kalalim ang aking iniisip at hindi ko napansin na dumilim na pala? Siguro nga.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok dito.
Napalunok ako nang makita ko kung sino ang taong kaharap ko ngayon. Ilang araw din kaming hindi nakapag-usap, miski magkita man lang.
Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako o ano pero okay lang naman sa akin. Kaibigan ko siya, e, kaya iintindihin ko siya kasi gano'n ang magkaibigan.
Normal lang ba na ganito ang nararamdaman ko? Parang tila naninibago ako, naiilang hindi ko mawari kung bakit.
Siguro, dahil nga nalaman ko na 'yung tungkol sa kanila ni Hunter.
"Nakakatampo ka, Angel. Ilang araw kang walang pakiramdam sa akin, ha!" Idinaan ko na lang sa biro ang pagsasalita ko.
Hindi kasi ito nagsasalita. Basta lang itong nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung akong tumatakbo sa isipan niya lalo na at hindi ko mabasa ang emosyon na nakapaloob sa kaniyang mukha.
Niluwagan ko ang pagkakabukas sa pinto at niyaya ko siyang pumasok sa loob.
"Anong gusto mong inumin? Nakakain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang patungo ako sa kusina para kumuha ng makakain.
Hindi na naman bago sa akin na gawin ito dahil lagi naman namin itong ginagawang dalawa. Bihasa na siya sa bahay namin. Sanay na kumbaga kaya alam na niya ang pasikot-sikot sa loob ng bahay namin. Maaari nga ring kabisado na niya ang bawat sulok dito sa loob.
"Hoy, Angel, ano nga?" Pangungulit ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagsasalita. Pero iba na ngayon dahil hindi na ito nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
11:11 (SLOW UPDATE)
Teen FictionMany of us believe in the mystery and miracle when the time is 11:11. We tend to believe and take a wish hoping that one day, it will happen. Some wishes were granted and some were not. Hope Lalaina Del Mundo is one of them.