Chapter 7

12 3 2
                                    

Unedited

Chapter 7

"Thank you, Hope!" Tumango na lamang ako sa mga ito at nagpaalam ng aalis.

Nagkaroon kasi kami ng meeting para sa pangkatang gawain namin. Kagaya nang napag-usapan ay bago tuluyang umuwi ay magkakaroon muna ng pagpupulong para sa aming gagawin. Para mapadali na rin kami sa paggawa.

Mahirap din namang sumabak sa ganito kung hindi alam ng bawat isa sa grupo ang dapat na gagawin.

"Bente pesos nga pong siomai," wika ko kay ate na nagtitinda rito sa may labas. Naglalakad-lakad na kasi ako pauwi nang makita ko ang mga itinitinda niya. Natakam ako kaya bumili na ako at saktong gutom na rin naman ako.

Hindi kasi ako nakakain nang maayos kaninang lunch namin. Marami kasi kaming kailangan na ipasa kaya kakaunti lang ang nakain ko dala na rin ng pagmamadali.

Mabuti na nga lamang at natapos ko rin kaagad kanina 'yong mga pinapagawa. At mabuti na lamang at walang ipinapagawa sa amin ngayon.

Nakakapagod kayang gumawa nang gumawa tapos magpasa nang magpasa ng mga gawain. Para kasing hindi ako masyadong natututo sa gano'n, e. Kumbaga, nagpapasa na lamang ako para makapasa kada subjects na mayroon kami kasi 'yon ang kailangan.

Pagkauwi ay nagpalit na kaagad ako ng damit pambahay. Naglinis din muna ako ng bahay, niligpit ang kaninang naiwan kong mga kalat atinugasan na rin ang naiwan ko kaninang pinagkainan.

Medyo tinanghali na kasi ako ng gising kaya hindi ko na ito nahugasan pa. Kaya may mga naiwan din akong mga kalat kanina.

Wala rin naman akong kasa-kasama rito sa bahay kaya walang ibang maglilinis ng mga ito kung hindi ako lamang. Hindi na rin naman bago sa akin ang ganito sapagkat nakasanayan ko na rin. Mas maninibago pa siguro ako kung pag-uwi ko rito ay may biglang maglilinis ng mga ito.

Bigla tuloy akong kinalibutan sa aking naisip kaya dali-dali kong tinapos ang aking ginagawa.

"Maraming salamat po ulit sa hapunan, Aling Loreng!"

"Sus, para namang ngayon ka lang nakakain dito, Hope, e." Natatawa at umiiling na sabi nito.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. Palabas na kasi ako ng bahay niya. Sinabi ko ng 'wag na akong ihatid palabas at mamahinga na lang pero hindi nakinig at talagang hinatid pa ako. Ang kulit talaga!

"Kahit na po, gusto ko pa rin pong magpasalamat 'no! Lagi niyo akong pinapatuloy at pinapakain dito sa tahanan niyo."

"Ano ba itong batang ito, oh? Para 'yon lang, e. Ikaw ay laging welcome rito sa tahanan ko, Hope. Kaya kahit na anong oras ka pa magpunta ay pagbubuksan at pagbubuksan kita ng pinto."

Natunaw ako sa narinig mula sa kaniya. Natutunaw ang puso ko sa mga salita na binigkas niya. Hindi ko akalain na makakarinig ako ng ganito sa kaniya.

"Kaya nga po ako nagpapasalamat sa'yo, e. Talagang kay buti mo po lalo na sa akin, Aling Loreng," mas lalo akong lumapit dito para siya ay mayakap.

Naramdaman ko namang gumanti ito ng yakap sa akin. Muli ko na namang naramdaman ang kapayapaan sa aking kalooban. Siguro ay dahil sa init na hatid ng yakap niya sa akin na tumagos hanggang sa buong sistema ko.

Hinagod niya ang likod ko kaya kusa akong napangiti sa kaniyang ginawa. Mas matangkad ako kay Aling Loreng kaya medyo nakayuko ako para maabot niya ako.

"Dahil ikaw ay mabuti rin sa akin, Hope. Ikaw ay isa sa mga taong nakilala ko na may mabuting puso kaya nararapat lamang na suklian ko ito."

Kumalas ako ng yakap dito at muli itong hinarap. "Si Aling Loreng talaga, oh... May mga pagan'yan na sa akin HAHAHAHA."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:11 (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon